Chapter 2

10.4K 335 95
                                    

Chapter 2

Alas syete ng umaga nang sunduin ako ni Beau at ihinatid naman kami ni Kuya Lincoln sa parking lot.

"Sure kang pwede mong ipasok dito si Oreo?"tukoy ni Kuya sa alaga kong pusa.

Tumango naman agad ako at sumakay na sa shotgun seat ng sasakyan Beau.

"Naikuha ko na rin sya ng permit sa school. Pwede naman daw, Kuya."I replied kaya napanatag na siya. He nodded and tapped Beau's shoulder.

"Text nalang, Bro, kapag makulit."biro nya kay Beau kaya napairap ako. Tumawa naman si Beau saka ako sinulyapan.

"Gamay ko na yan, Bro."birong pabalik ni Beau.

Umalis na rin naman na kami agad dahil kailangan ay makabalik rin kami mamayang gabi.

Ilang oras ang byahe namin nang dumaan kami sa isang fast food at bumili sya ng burgers at drinks saka kami uling tumulak.

"Kelan laro nyo?"tanong nya habang abala sa pag d-drive.

"Ng?"tanong ko kaya natawa sya. "Crazy! Dalawang category kasi kami kasali! Kami ni Drixy."I explained.

"Oh? Beach and indoor?"

"Yeah. Next week ay may laban na kami ng beach volleyball."I shrugged at tumango naman sya.

"So, you can spike now, huh?"pang aasar nya saka tumawa nang makita ang pag irap ko.

"Excuse me, kaya ko naman kasi talaga!"

Nakarating kami sa Tagaytay ay alas onse na ng umaga at dumaan muna kami sa house nila Beau bago nya ako ideretso sa bahay namin. Saktong naroon ang gradma ni Beau na bet na bet ako sa kanyang apo. Gosh! The pressure!

"Oh my! Narito pala ang future ng apo ko!"salubong nito sa amin at automatic naman na tumawa ang magulang ni Beau na parehas busy sa mini garden nila.

Nagmano ako sa lahat ng nakakatanda.

"Nako, Grandma, iyan ka nanaman!"saway ni Beau dito saka ako sinulyapan. "Kapag itong little girl namin ay hindi na pumunta dito, eh!"pananakot pa nya sa kanyang lola.

"Ayos lang po."nahihiya kong sabi.

Matapos doon ay inihatid na muna ako ni Beau sa aming bahay bago sya bumalik sakanila.

"Oh, why didn't you invite Beau inside?"salubong sa akin ni Papa saka kinuha ang bagpack ko at agad akong inakbayan.

"Family bonding daw po muna sila, Pa."humalik ako sa pisnge nya at agad nagtatakbo nang makita ko ang sexy na pagbaba ni Oreo sa hagdan.

"Ipinahanda na ng Mama mo ang gamit nyan. Nalulungkot na at kukuhanin mo na raw ang kanyang little Shanne Rivan."natawang sabi ni Papa kaya natawa rin ako at binuhat na si Oreo.

"Sus! If only I knew, ginagawang babae ito ng Mama!"umirap ako at sabay kaming tumawa ni Papa.

"Oh sya, tara na sa garden at kanina ka pa hinihintay noon."

Pagkarating namin sa garden ay usual naman ang mga topics namin at medyo sumama nga lang nang banggitin ni mama ang pag momodelo sa agency nya.

"Ma, ayaw ko nga."ngumuso ako.

"Hayaan mo na kasi ang bata, Ria."pag sang ayon sa akin ni Papa kaya medyo nakahinga ako nang maluwag.

"Haynako! May magagawa pa ba ako?"umiling si mama kaya napangiti na kami ni Papa at nagpatuloy nalang sa pagkain.

Iyon din ang rason kung bakit pinili kong sundin si Kuya. Dito rin kasi dapat sya mag c-college, ang kaso ay pakielam lagi si mama. As in lahat gusto nya ay sya ang magdedesisyon sa amin. Nabago lang iyon nang umuwi na si Papa.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon