Chapter 13

8.5K 274 31
                                    

Chapter 13

"B-Beau,"

Bumuntong hininga sya at naglakad palapit sa akin saka ako inakbayan papasok.

"Ano yon?"seryoso nyang tanong. "Bakit kasama mo sila Drake?"

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang isasagot.

"Ano, kasi..."

"Beau!"

Sabay kaming natigil ni Beau at saglit na nagtitigan bago hinarap si Kuya.

"Nandyan ka na pala! Tara na!"

"Saan kayo, Kuya?"tanong ko. Si Beau naman ay nakatitig lang sa akin.

"Ah, bar. Sige na pumasok ka na don."sagot ni Kuya at hinigit na si Beau palayo.

Saglit na sumulyap pa sa akin si Beau bago sila tuluyang sumakay sa sasakyan ni Kuya at mabilis na umalis.

Linggo pa ang laro ni Kuya sa hapon,  tapos si Beau naman ay sa gabi. Busy kami noon panonood.

Kinabukasan ay maaga ang pasok namin dahil wala naman na akong pasok after lunch at alas quatro pa naman ang laro nila Romulo.

Nagpasa na ako ng plates at nag quiz na rin kaya mabilis natapos ang araw ko. Kasalukuyan kong hinahanap ang dalawa kong kaibigan na mga hindi nagrereply.

Nang mapagod sa paglilibot ay tumigil muna sa tapat ng P.Sanuto Building. Lumang 2 story building sya na ginawa na lang gallery room na kung tutuusin ay maganda pa naman at pwede pang pakinabangan. Ginagawa rin itong tambayan lalo na pag puno ang Picaso ground dahil may ilang table naman sa loob.

Pumasok ako sa loob ng building at entrance palang ay puno na ng mga lumang pictures ng mga estudyante dati.

Nagpatuloy ako sa paglakad sa tahimik na hallway hanggang sa makarating ako sa second floor. Kasama na kami sa mga pictures doon. Bungad pa lang ay kita na ako dahil isa ako sa rookie athlete. Ilang pictures ng rookies ang naroon.

Dumeretso pa ako hanggang sa makita ko na ang pictures nila Kuya. Marami iyon at puro sa batch nila ang nakalagay.

Hinanap ko si Romulo na nahanap ko naman agad. The pictures were two years ago, noong dito pa sya nag aaral.

Natuon ang pansin ko sa picture nila noong second year palang sila. May isang frame na nakasulat na 'Couple of the Year'.

Si Romulo iyon... at ate Rhiannon.

Naka uniform si ate Rhiannon at si Romulo naman ay pawisan na naka jersey habang magkayakap sila sa gitna ng field. Parehas silang masaya na nakangiti sa camera.

Bumaling ako sa isa pa nilang picture at parang nasa debate room sila doon. May nag dedebate sa unahan habang sila ay spotted na nagyayakapan sa isang sulok.

Napaiwas ako ng tingin doon.

Cringey!

Matapos magpaka bitter ay lumabas na rin ako ng building at doon ko nakita sila Mich na naglalakad sa hallway. Agad akong humabol sa kanila at sumabay.

"Napano ka? Saan ka galing?"tanong ni Pam at tumigil kaming tatlo habang hinigingal pa ako.

Kinuha ko naman ang tickets para sa laro ni Romulo. Noong linggo pa nya ito binigay na kasama noong pain reliever ko.

"May klase kayo mamaya?"tanong ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Wala. Bakit? Tara nood tayong SAU!"sagot ni Pam at tumango ako. St.Lucianna ang kalaban nila mamaya.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant