Chapter 22

9.5K 271 72
                                    

Chapter 22

Nakarating kami sa bahay nang wala sila Mama dahil pumunta raw sa bahay nila Tita Bea, kaya mga katulong lang ang nadatnan namin sa bahay.

"Have a seat." sabi ko nang makapasok kami sa bahay. Naupo naman si Romulo sa couch sa sala. "I'll just change my clothes." paalam ko saka dumeretso sa kwarto ko at iniwan sya roon na naglilibot ang mata sa paligid ng bahay.

I am confident with our house, though. It is one of the biggest here in the place.

Saka... hindi naman mapangmata ang isang to.

Nagbihis ako ng championship shirt namin noong last season ko sa Saints League, at isang pajama, saka ako bumalik kay Romulo na kausap na ni Yaya. May meryenda na rin doon na cookies at juice.

Nang makita ako ay bumalik na si Yaya sa trabaho matapos akong batiin.

"Sa inyo pala ang Cruzzette Flowers?" he suddenly asked matapos makita ang family painting namin na naka sabit sa dingding. Sa likuran namin ay naroon ang flower farm ni Mama.

"Ah, oo. Bukod sa agency ay yan din ang pinagkaka abalahan nya."

"Pati ang ToNavy Academy?" he asked. Nangunot ang noo ko sa sinabi nya pero tumango ako.

"Yeah. Nung mag retire si Papa as US Navy ay yan na ang pinagka abalahan nya." inabutan ko sya ng tinapay at kinuha naman nya iyon.

Naging casual ang usapan namin at puro tungkol sa plano nyang mansyon ang aming topic.

Saktong dinner yata nang marinig namin ang sasakyan nila Mama na dumating. Nagulat pa ako nang makita na unang pumasok ang lola ni Beau kasunod sila Tita Bea at sila Mama.

"Aww, my future granddaughter is here!" masigla akong niyakap ni lola bago sya gulat na napatingin kay Romulo na nasa likuran ko. "W-who's this, hija?"

"Romulo Cabin, Ma'am." pormal na pagpapakilala ni Romulo sa sarili.

"Hi. Your name sounds familiar, young man!"

"Ma, sya yung pinapanood mong soccer player dati." sabi ni Tita Bea saka nakipag kamay kay Romulo. "Beatrice Valmonte. Beau's mom."

"Pleasure to meet you, Ma'am."

"Hijo, you're back na pala! And you're with... my daughter!" bineso ni Mama si Romulo at pinisil ito sa balikat saka kumindat kaya natawa si Romulo saglit.

"Ma, si Papa?" tanong ko.

"Ah, parating na rin, Anak. By the way, bakit kayo napasyal?"

"Are they..." naiilang pang tanong ni Tita Bea kaya natawa ako at umiling.

"No, Tita. We just have a project near our subdivision." pagtatama ko na agad sa iniisip nya.

Pumunta na rin kami sa dining area matapos magkamustahan at dumating na rin sila Papa at Tito Urland.

"Pa, kailan kaya darating ang bagong gulong?" tanong ko habang nakain. Tahimik sa tabi ko si Romulo.

"Bukas pa ng umaga, Anak. Saka mahihirapan na rin naman kayo makauwi kapag ngayon. Mahamog." sagot ni Papa kaya tumango ako.

"Ayos lang ba sayo, Hijo, na ipagpabukas ang pag uwi nyo? Baka may nobya kang naghihintay sayo o asawa?" pilyong tanong ni Papa saka ako sinulyapan kaya tinaasan ko sya ng isang kila.

Umubo si Romulo at umiling.

"Wala po, Sir."

"Oh! Walang girlfriend or asawa?" tanong ni Tito Urland.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon