Chapter 15

8.9K 277 146
                                    

Chapter 15

Another boring morning. Natapos na akong mag jog at lahat pero ito at parang one minute lang naman ang lumipas! Gosh!

Pumasok na ako sa room ko para maligo at tumunganga maghapon.

Mag pipinta na lang ako!

Agad kong binuksan ang drawer ng side table ko at kinuha doon ang mga art materials na kakailanganin ko.

"But, what to paint?"pabagsak akong nahiga sa kama ko at tumitig sa kisame.

Bumuga ako ng malakas na hangin at saktong may idea na pumasok sa isip ko.

Kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang ig account ko saka nag search ng Romulo na pangalan. Wala akong mapapala sa account ni Romulo kung doon lang ako maghahanap. Wala syang picture na solo na panlaban doon! Hmp!

Sayang kaya ang followers nya kasi wala namang posts. Siguro, once a week lang din sya naglalagay sa story nya.

Bigla namang nag ring ang cellphone ko.

Si Kuya tumatawag!

"Yes, Kuya?"sagot ko kahit kabang kaba na ako.

"Nahinga ka pa naman dyan? " narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Hindi, Kuya, kaluluwa ko lang 'tong kausap mo." pabalang kong sagot kaya napa tss naman sya. Hmp!

"Kumain ka dyan ha! Saka kung wala kang makausap dyan ay mag gala gala ka kesa mabaliw ka!"

"Oo na."

"Sige na at simula na. Ingat ka dyan, miss na kita."

Bigla naman akong nalungkot sa sinabi ni Kuya. Naguilty rin ako bigla.

"Ingat ka din dyan! I miss you, too!"

Nang matapos namin mag usap ay nagpatuloy na ako sa paghahagilap ng picture ni Romulo kahit medyo naguilty ako ng mga two seconds.

Napangiti ako at kinilig ng slight nang may mapili ako na picture.

Stolen shot iyon habang nakapang karera sya na damit. Kulay puti iyon na whole body na syempre ay makapal.

Naka patong ang kamay nya sa ibabaw ng kotse nya at naka gloves pa sya na makapal. Nakatingin sya sa track at magulo ang buhok na akala mo ay sinabunutan ng girlfriend nya na nakahalikan nya.

Ay gosh, sorry!

Napaka gwapo ng Kuya nyo! Pawis na pawis pero mukhang amoy mabango pa rin. Nakasabit pa yung strap ng helmet nya sa kabila nyang braso na akala mo ay isa syang galit na super model na effortless kumuha ng angles. Sana all.

'Pag yung mga stolen shots ko kasi ay parang 'litrato bago mangyari ang sakuna' ang peg!

Kinuha ko na ang canvas ko at pencil then I tried to sketch him first before proceeding to painting.

It took me to repeat it thrice dahil feeling ko ang sama sama kapag ako ang gumagawa. Inabot na rin ako n
ng tanghalian bago natapos at pinwesto iyon sa may pinto sa kusina para mahanginan at bumilis ang pagkakatuyo.

I'll put that inside my closet so no one will see it. That's mine only.

Just incase shit happens, at least I have his memory. A paint of mine. I put so much effort into it.

Katulad kahapon ay alas singko ulit bumisita si Romulo at kasama pa nya si Pororo kaya sayang saya naman ang malandi kong anak. May dala rin syang sangkatutak na grocery na para bang pang buong buwan na iyon.

Racing to Sixty (Saint Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن