Chapter 21

9.4K 263 71
                                    

Chapter 21

Sinimulan na ang skyscraper na project kaya mas naging abala na kami. Idagdag pa ang patong patong ko na project para sa taon na 'to.

"Yes, Engineer Santos, kindly check the vulnerability." utos ni Romulo kay Engineer Santos kaya mabilis itong kumilos.

"Reeves,"

Agad kong nilingon si Martin na kalalapit lang. Naka complete gear na rin sya katulad ko at may hawak na cylinder case nya.

"Oh?" tanong ko saka nag angat ng tingin.

Nasa tent kami ngayon habang ang mga assigned engineers ay mga abala na sa pag aasikaso ng paligid at ako naman ay tinatapos ang floorplan ng bahay ni Romulo.

"Tara sa First Degree?" awkward nyang sabi kaya agad ko syang inirapan.

"May trabaho ako!" bulyaw ko na agad sa kanya at ngumisi naman sya.

"But, I'm still the Boss here?" pang ba-blackmail nya kaya pinaningkitan ko na sya ng mata saka niligpit ang mga gamit ko.

Sinenyasan ko syang lumapit sa akin habang nasa table pa ako at lumapit naman ang uto-utong kaibigan ko.

"Bakit?"

"Lapit pa."

At gaya ng utos ko ay lumapit si Martin dahil akala ay bubulungan ko sya.

Nang tuluyan syang makalapit ay hinigit ko na sya sa tenga at agad naman napadaing ang malandi na si Martin.

"Aray, Reeves!" angal nya kaya binitawan ko na dahil napalingon na sa amin ang iba pati sila Romulo at Bianca.

"Lagi mo na lang kasi ako dinadamay sa kalandian mo!" bulyaw ko sa kanya pero mahina lang kaya inis nyang hinimas-himas ang kanyang namumula nang tenga.

"Ngayon na lang nga uli eh. Dali na, Bespren." paawa effect nyang sabi kaya umirap talaga ako sa kanya at kinuha na ang mga gamit ko.

Pinagbuhat pa ako ni Martin ng bag ko na may lamang laptop at lumakad na kami sa field papunta sa parking lot nang tawagin kami ni Bianca.

"Hey, where are you two going?" tanong nya habang nasa tabi nya si Romulo na may kausap na ilang construction workers.

"Saglit lang kami, Engineer Juarez." sagot ni Martin kaya tumango si Bianca.

Palakad na sana uli kami ni Martin nang si Romulo naman ang nagsalita.

"It's working hour, Engineer Villanova."

Gusto ko nang mapapadyak dahil napakagulo nilang lahat! Can't they just leave me alone?!

"This will be quick—"

"But there are things that Architect Mendoza should fix." Romulo fired.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"Babalik din ako kaagad." pagtatapos ko saka hinigit na sa braso si Martin.

"Nakakatakot yung ex mo, ano?" bulong nya nang makalayo kami. Nakakapit pa sa braso ko na akala mo ay batang mawawala.

"He's not my ex! He rejected me,  remember?" bitter kong sabi at natawa naman ang mokong at may palakpak pang kasama. Parang tanga.

"Ah, oo nga pala!" at humalakhak na sya ng tuluyan. "Hindi nga pala tumalab ang beauty mo, 'no?"

"Ikaw napaka ano mo. Ikaw nga tong napaka torpe! At least ako, nakapag confess ako!"

"At least ako hindi pa narereject!" bumelat pa ang napakabait kong kaibigan.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now