Chapter 29

9.7K 308 105
                                    

Chapter 29

Buong gabi kong pinag isipan ang lahat ng nakita ko kanina sa grocery store.

Short girl, short and wavy blond hair, big shirt and pajamas, and a kiddie slippers.

Bakit iba pa ang pinili nya, eh, ganoon din naman ako, di ba?

Bakit hindi ako?

Bakit hindi na lang ako ulit?

Pinilit kong matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Kailangan ay mas maaga rin akong aalis ng bahay dahil nga medyo malayo iyon tapos palagi pang traffic.

Maaga naman ako kinabukasan nagising kaya maaga din akong natapos paliligo at pag aayos ng aking sarili.

Nag long sleeves ako na folded below the elbow, tapos, naka slacks ako at tinuck in ko doon ang long sleeves ko na pinatungan ko ng coat.

Pagkarating ko sa building ay sakto naman ako sa oras na nakapag log in kaya dumeretso na ako sa ninth floor. Papasok pa lang sa wing namin ay panay na ang bati sa akin ng mga nakakasalubong ko. Nang mapadaan ako sa desk ni Vera ay agad nya akong sinalubong.

"Good morning, Architect!"

"Good morning. My things for today?" tanong ko habang nakasunod sya sa akin at agad naman nyang inabot sa akin ang isang folder.

"Pa-check na lang po, then signature." she said kaya tumango ako at naupo na.

"When is this needed?" tanong ko at sinimulan nang buksan ang folder. "Coffee,Vera."

"Before lunch, Architect!" she replied quickly. I like her na! "Your coffee,  Architect! Mamaya lang po at wala pa po, pero, on the way na."

"Sige, thank you, Vera."

"Sige po, Architect!"

Nag umpisa na akong gawin ang aking trabaho at ilang minuto na akong abala nang pumasok si Engineer Romero in his suit and tie.

"Good morning, Engineer." bati ko saka humalukipkip. Manggugulo na naman ito.

"Good morning, Architect! Uh, are you that busy?" tanong nya. Umiling naman ako.

"Not really. What is it?"

"Right! Can you come with me for awhile? I'll just need your opinion about this lot of mine." paliwanag nya kaya tumango ako at tumayo na.

"Sure. Where's the site?" inayos ko ang damit ko na medyo nagusot na.

"Diyan lang tayo sa balcony ng ninth floor. Tanaw naman, eh."

"Okay, Engineer."

Nilakad nanamin ang hallway at maya't maya ang bati sa amin ng tao. Si Leandro naman ang nasagot sa kanila kaya hindi na ako nag abala pa.

Nang makarating kami sa pinakang dulong bahagi ng hallway ng ninth floor ay binuksan na nya ang malawak na sliding door na bubog kung saan may balcony na kung saan pwedeng smoking area ng mga empleyado.

"What can you say? What's your overview about it?" nilingon nya ako.

Nakatitig kami ngayon sa parking lot. Oo, parking lot. Seriously?

"It's good. Well-cemented, Engineer." I stated, saka sya tinaasan ng kilay dahil nagiging weird na naman sya.

Ito na iyon? As in, itong parking lot ba ang sinasabi niya kanina o sadyang ginu-goodtime niya ako?

Nilingon nya ako bago sya tumingin sa loob ng balcony kung saan tanaw ang mga cubicle at ang main office for this floor.

Lilingon na sana ako doon nang may biglang tinuro si Engineer Romero sa kalawakan ng parking lot ng building.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon