Chapter 4

9.7K 361 170
                                    

Chapter 4

"Can you believe it, Girls?"salubong ni Pam habang may dalang bottle of juice.

Narito kami sa Picaso ground, kung saan naka pwesto ang maraming bench na pwedeng tambayan. Sila ay nagdadaldalan habang ako ay tambak ang gawain.

"Ano nanaman yan?"tanong ko saka umisod ng kaunti para may mapwestuhan sya.

"Naghahanap daw si Romulo ng magiging videographer slash photographer nya para may mai-submit na sya na pang opening as captain ng team sa darating na League!"mahaba nyang chismis.

"Gosh! I'd really like to volunteer kaso baka mahuli tayo!"si Michelle.

Tinaasan ko ng kilay ang dalawa kong kaibigan na mga traydor.

"Susumbong ko na kayo kay Kiko."biro ko kaya agad silang sumama ang mukha sa akin.

"Sus! If only I know!"parinig ni Pam kaya medyo kinabahan ako.

"Ano?"tanong ko. Trying to act cool.

"May crush ka na Agnas ano?"si Michelle. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

"Oo nga, Girl! Kasi bakit ganoon? Binasted mo kaagad si Rad na taga Political Science!"umakbay pa sa akin si Pam. "Gosh, he's so sikat kaya and a team captain of our famous basketball team!"she added.

"Mayabang naman."I simply said.

"Sus! Baka may crush kang iba!"bintang ni Michelle.

Why are they so makulit ba?!

"Wala akong crush na Agnas, okay?"

"Eh ano?"sabay pa na tanong ng dalawa.

Gosh, they won't stop bugging me! I have to make an excuse para they finally stop na.

"Taga St.Valdemor!"sagot ko at umiwas ng tingin.

Saglit namang nagtitigan ang dalawa bago ako pinisa.

"Oh my gosh, sino don?!"kinikilig na nilang tanong.

Kilala kasi ang St.Valdemor as formal peeps. Law school iyon at mga walang balak makisali sa kaguluhan ng mga universities. Minsan lang sila nakikita na nakikinood.

"Si..."nag iisip kong sagot.

Gosh, sino ba doon?!

"Si?"bitin na tanong ng dalawa.

"Feliciano."tumango tango pa ako.

Natigil uli ang dalawa saka nag iritan kaya napatakip na ako ng tenga.

"Gaga, ka! Iyon pala ang tipo mo!Napaka hot noon!"Michelle exclaimed.

Bumuntong hininga ako at dinampot na ang mga gamit ko saka tumayo dahil may kasunod na akong klase.

"Hoy, Girl, kung gusto mo ay i-set up ka namin sakanya?!"pahabol ni Pam pero hindi ko na sila pinansin.

Bahala kayo dyan. Hindi ko naman kasi talaga crush yon, 'no! Wala akong crush dahil walang time! Kung magkaka crush man ako ay mga tipong Vic Fuentes or kaya naman ay Andy Black! O di kaya naman basta ka music taste ko na kaya akong dalahin sa concert ng favorite bands ko!

Naging usual ang buong week ko. Pasok sa umaga at practice hanggang gabi.

Narito kaming tatlo nila Kuya at Beau sa Picaso ground. It's Sunday today and a morning. Abala ako sa paghahawak at lipat nitong bilog na kulay puti for clear view raw sabi ni Beau. Sya ang photographer slash videographer ni Kuya.

Feeling expert amp!

I mean, we can get a professional photographer if we want to! Kaso ay maarte kasi itong si Kuya. Hindi tuloy kami uuwi ngayon.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now