Epilogue

19K 663 414
                                    

Hi! This is the epilogue of Racing to Sixty-Saint Series #1.Wakas po.Hope you all enjoy!Thank you!See you on my next story! :)

THIS BOOK IS SOON TO BE PUBLISHED UNDER INKSPIRED PUBLISHING HOUSE. SANA PO AY SUPORTAHAN NINYO AKO. SALAMAT!

Ps. SORRY FOR THE ERRORS. I AM STILL LEARNING.

Epilogue

"Bro, ano tara? Sa bahay na tayo mag inuman mamaya!" dinaganan ako ni Lincoln at Beau, habang si Feliciano ay nakaupo sa paanan ng kama ko.

They went here straight from classes habang kami ni Feliciano ay kanina pa abala sa reading. Nakatulugan ko na nga.

Kaming tatlo nila Chano at Lincoln ay mga Law students at itong si Beau naman ang nag iisang Engineering sa amin. Ewan ko ba sa isang ito. Puro kalandian. Pangarap daw kasi noong crush n'ya na maging Architect kaya nag Engineering s'ya para raw terno sila. Corny n'ya.

Second year college pa lang kaming apat. Nakilala ko itong sila Coln at Beau noong enrollment, tapos itong si Chano naman ay kagaya kong balik-bayan din kaya naging kaibigan na rin.

Linggo ngayon kaya walang pasok at wala rin naman kaming practice ni Coln sa soccer, ganoon din si Beau sa car racing n'ya. Si Chano naman ay walang hilig sa sports at mas gustong basa na lang nang basa.

"Bar nalang! Mas maraming chicks doon." I chuckled kaya nakatanggap ako ng batok sa dalawa.

"Hindi! Dapat ay sa bahay nila Coln tayo! Shanne's there!" Beau's eyes twinkled kaya s'ya naman ang nabatukan ni Coln.

"Grade 11 pa lang yon! Bawal magustuhan ang kapatid ko!" seryoso na sabi ni Coln, kaya ngumisi ako at itong si Beau naman ay ngumuso.

"Crush lang naman, Bro!"

"Hindi! Napaka isip bata pa noon kaya bawal!" bulyaw dito ni Coln.

Natawa na lang ako sa dalawa.

"Maganda ba iyan?" pagsali ko sa usapan na agad iniba ng dalawa.

Tsk! Tinatanong ko lang naman, e.

"Sasama si Rhiannon!" Coln announced, and we all groaned.

Nakarating kami sa Tagaytay kung saan naroon ang bahay nila Coln. Dumeretso kaming apat sa gazebo nila dahil doon namin napagpasyahan na mag inuman. Lagi.

Nag uumpisa na kaming mag inuman at tawanan na apat nang dumating sa mini court ng volleyball, na nasa yard nila Coln, si Rhiannon na may kasamang babae na maliit.

Naka shirt na malaki at kulay blue na may Rivan na tatak yung babae, at naka cycling shorts pa. Naka knee at elbow pad rin sya habang nakatali ang mahaba ay wavy nya na buhok.

Nag umpisa na sila ni Rhiannon magbalikan ng bola. Maya maya pa ay may dumating na ilan pang babae na kaedaran siguro noong Rivan. Nagsimula na silang maglaro, at dahil maliit sya ay taga salo lang sya ng bola.

"Gago, ang galing ni Shanne!" kinikilig na puna ni Beau.

"Tigilan mo ang kapatid ko. Yare talaga sa akin ang poporma dyan." banta ni Coln. Nakita ko pang sinulyapan ako ni Coln kaya ngumisi ako.

Ilang beses pa na pumunta kami kila Coln at palaging nasa court ang kapatid nya na hindi manlang namin nakasalamuha. Si Beau lang naman kasi ang nag e-effort na kumausap.

Sa mga sumunod na punta ay hindi na ako sumama, dahil pakiramdam ko ay mababaliw na ako. Kahit saang lugar kasi ay nakikita ko sya kahit wala naman talaga. Kahit sa pagtulog, napapanaginipan ko sya.

"Bar tayo!" our team mate offered.

I refused quickly na ipinagtaka nila dahil ako pa dati ang madalas mag aya dahil mahilig sa babae.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now