Chapter 11

8.8K 292 63
                                    

Chapter 11

"He's so hot and gwapo, gosh!"Pam exclaimed after Romulo's exposure on TV.

Narito kami sa sala ngayong gabi at nanonood ng replay ng laro nila Romulo kanina dahil gusto raw mapanood ng dalawa.

They watched archery kasi instead of soccer, kaya ito sila at ngayon ay kilig na kilig kay Romulo.

"Oh my gosh, the way he removed his sweats! Ugh!"si Mich naman.

Tahimik akong nanonood at pinapanood ang reaction nila kay Romulo.

Baka kagaya nila ang nararamdaman ko. Ang bawat galaw ni Romulo ay alam din nila. Ultimo pagpupunas nya ng pawis ay pansin ko, bagay na pansin din ng dalawa.

Siguro nga, infatuated lang ako at nag fafangirl lang sakanya kagaya ng ibang babae. Nothing's special about my feelings that I should consider. Dahil siguro ay madalas kong kasama si Romulo kaya ganito.

Narito kami kanina pa sa room ko habang hinihintay ang pagdating nila Mama. Sinusundo sila ni Kuya at Beau sa airport. Dito sila tutulog habang si Kuya ay sa room nya. Magmumukmok iyon.

"By the way, "biglang humarap sa akin si Mich.

"Hmm?"tanong ko habang hinahaplos si Oreo.

"Nakapunta na siguro dito si Romulo, ano?"malisyosa nyang sabi na tamad kong tinanguhan saka uli bumaling sa TV. Pinakita doon si Bianca, suspect daw na girlfriend ni Romulo. Baka nga.

"Aray, Mich, ano ba?!"inis kong hinigit ang sleeves ng damit ko na higit ni Mich habang si Pam ay nanlalaki ang mata.

"Hala, totoo? Kelan?!"si Pam. Nakaluhod na sya sa harap ko habang nakahawak sa hita ko.

I sighed.

"Lagi."I shrugged at napatakip sa bibig ang dalawa at nagkatinginan. "Nakikitambay."

"Nakatulog na dito yon?"mahinang tanong ni Mich na akala mo ay may makakarinig.

Tumango uli ako at doon na ako dinamba ng dalawa habang si Oreo ay wala paring reaksyon sa nangyayare kahit ipit na sya.

"Gaga ka! Gumamit kayo ng protection?!"si Pam na tinapik pa ako sa braso.

I sighed. Nakakarindi sila.

"Ano bang protection sinasabi nyo dyan?"

"Syempre nag ano na kayo! Nako, girl, nineteen ka palang, ha, baka maging batang ina ka nyan!"exaggerated na sabi ni Mich.

"Para saan ba ang protection? I'm already a mother."

Ang OA kasi nila. Ang likot ng utak, gosh!

"Gaga ka! Hindi pa ako handa maging ninang!"

"Aray naman! Wag ka mangurot!"inis kong tinulak ang mukha ni Pam.

"Ang bobo kasi! Ilang beses ba kayo nag sex, ha?! Nako, Shanne, ha!"galit na sabi ni Mich.

"Dumi ng isip nyo, gosh!"umirap ako sa dalawa. "Nakitulog lang yung tao dito! Dalawang beses! Naiwan yung susi sa dorm nya. Noong pangalwa naman ay ganoon din tapos kagabi iyon. Nilagnat yung tao kaya inasikaso ko. Walang sex. I don't like him. I am a mother. Mother of Oreo."paliwanag ko sa dalawa para matigil na ang kahibangan nila.

Napakamot naman sila sa ulo nila at dahan dahang bumalik sa pwesto nila habang masama ang tingin ko sa kanila.

"Pero yung katabi mo kanina sa bench, sino sila? Kapatid ni Rom?"nag twinkle pa ang mata ni Mich.

"Oo. Raciela at Rafael."sagot ko at nagulat ako nang lumapit sila sa akin at niyakap ako.

"We're so proud of you. Buhay na ang love life mo."maarteng sabi ni Pam at naupo uli sila sa pwesto nila.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon