Chapter 6

9.4K 313 123
                                    

Chapter 6

It's another Wednesday at narito kami ni Drixy sa labas ng beach resort na paglalaruan namin.

Napaka hirap,.actually, dahil magpapang abot ang main league at itong beach volleyball league na sinasalihan naming dalawa..Malapit na ang semis dito kaya kaylangan pagtuunan ng pansin habang focus din dapat sa main league.

Nakaka stress na kaya! Tapos idagdag mo pa iyong acads na walang preno!

"Sana manalo na tayo dito para tuloy na tayo sa final four."usal ko habang hinihintay namin sila Coach na abala pa sa pakikipag usap sa committee.

Sila Ericka uli ang kalaban namin tapos wala pa kaming nabitbit na mga kasama dahil may seminar ang lahat ng mga taga St.Louis ngayon. Pinayagan naman kami lumiban doon dahil syempre ay mas importante ito.

Naka sports bra nalang ako ngayon at jersey shorts ni Kuya habang nasa balikat ko ang aking gym bag.

"Nandyan na sila Ericka!"bulong ni Drixy at saktong baba nga nila sa van. With Romulo's squad, of course.

"Goodluck, pretty ladies!"bati ni Drake na kaakbay si Jonah.

"Pwede ba?!"masungit na sagot naman sa kanya ni Drixy at umirap pa.

Natawa naman sila sa reaksyon ng kasama ko.

Sila Ericka naman ay dumeretso na sa loob dahil hinigit na sila ni Bianca na may pairap pa.

Duh?! Dukutin ko kaya ang eyes nya?!

"Ang sungit naman!"pang aasar pa ni Jonah kaya nag walkout na si Drixy ay lumapit kay Coach.

Nailing nalang ako doon.

"Goodluck, Rivan!"nakipag apir pa sa akin si Drake kaya tumango ako.

Si Romulo naman ay abala sa isang libro na binabasa at may pagkunot pa ng noo bago nya ako tinignan.

Naka puting long sleeves sya na bukas ang dalawang butones sa itaas at itim na maong na hanggang tuhod. He's just wearing his black sandals with his small shoulder bag.

"Batiin mo naman si Miss Videographer slash Photographer mo!"kantyaw sakanya ni Chris at siniko pa kaya kunot noo nya akong tinignan.

"Pumunta ka para magpatalo?"pang aasar nya kaya inirapan ko sya at sumunod nalang din kay Drixy. Rinig na rinig ko kaya ang tawanan nila!

Kaasar!

Maya maya pa'y pinapunta na kami sa aming tent para makapaghanda na. Marami ang tao kahit wala ang mga Louis. Siguro, dahil hapon na at tapos na ang mga klase. Alas quatro pa kasi ang salang namin dahil may naglalaban pa.

Kung sino ang mananalo sa naglalaban ngayon ay syang makakalaban namin sa semis. Twice to beat naman kami kaya may chance kahit papaano.

Nakiupo kami ni Drixy sa bench katabi ng mga coach namin dahil maiinip lang kami sa tent. Nakapang laro na rin kami.

A white sports bra with a white panty too. Hindi ko pa iniipit ang buhok ko dahil wala pa namang laro.

Kawawa na kaya ang hair ko! Noong hindi pa ako athlete ay alagang alaga ito ni Mama, kaso, nitong naglalaro na ako ay napabayaan na. Dry na dahil sa init ng araw at laging iniipit na kahit basa pa.

Nang medyo mainip ako ay nagpaalam muna ako na maglilibot. Pinasuot pa sa akin ni Coach ang ID ko kaya natawa si Drixy bago kumaway sa akin.

Dumeretso ako sa isang dining area ng resort para makabili ng drinks dahil sobrang init talaga!

Maya't maya pa ako nililingon ng mga nakakasalubong ko na mga taga St.Clark. Problema ba nila?!

Matapos bumili ay lumabas ako doon para bumalik na sana sa court kaso ay nakasalubong ko naman si Romulo. Nang makita nya ako ay nagulat ako nang may inabot sya sa aking plain white shirt.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now