Chapter 27

8.5K 267 13
                                    

Chapter 27

Kinabukasan ay maaga akong naghanda para sa buong araw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kating kati na akong tanungin si Mama at Papa tungkol sa nakaraan kaso ay hindi ko naman pwedeng hayaan dito si Romulo dahil paniguradong paggising nito ay may hungover sya.

I'm not even sure if I had a sleep last night. Gulong gulo na ako. Nawala lahat ng galit ko kay Mrs.Cabin. I am mad at no one, actually. I just wanna hear both sides. I want to have peace of mind.

Basta isa lang ang nasa isip ko. Dapat ay kompanya ang piliin ni Romulo. Hindi ko masisikmura na kasama ko sya habang sya ay unti unti nang bumabagsak ang lahat ng pinaghihirapan nya.

I'd rather lose him than see him suffer just because he chose me. I can be selfless.

Hindi lang naman pati kami ang apektado sa desisyon nya. Kapag ako ang pinili nya, pati sila Raciela at Rafael ay maghihirap. May anak si Raciela na kailangan tustusan at si Rafael ay may sakit.

Mamamatay ako sa guilt kapag pumayag akong piliin nya ako over his company.

Ayos lang sa akin na mamatay sa lungkot kaysa, ang makita syang kasama ako pero bumagsak lahat ng pangarap nya dahil lang sa tulad ko.

"Rom, bangon na. May trabaho ka pa." tinapik ko sya sa braso matapos ilagay ang gamot, pagkain, at tubig nya sa side table ng kama.

Hindi manlang sya gumalaw kaya napabuntong hininga na ako bago sya uli tinapik.

"Romulo,"

"I don't wanna go to office, Babe." he murmured.

"No. You go to office and do your thing. Hurry up." marahan ko syang hinigit paupo at nagpahigit naman sya.

"Let's just stay here for today,  please." pakiusap nya saka ako hinigit at niyakap.

Tinitigan ko sya at mukhang kailangan pa nga nya ng maraming pahinga kaya tumango ako kalaunan.

"Basta bukas ay balik trabaho na."

Iniwan ko sya sa kwarto at hinayaan maligo habang ako naman ay pumunta na lang sa sala para magligpit ng mga kalat. Matagal na rin kasi akong hindi naglilinis ng bahay kaya matagal tagal bago ko iyon natapos.

Si Romulo naman ay pinaliguan na si Pororo.

"By the way, nagkayayaan kami nila Chano." he started nang kumakain na kami ng lunch na niluto ko. "Mamaya."

Tumango ako.

I think that's what he needs right now. He should unwind with his friends.

"Saan?" tanong ko saka tumayo para timplahan sya ng kape.

"Race lang sa may St.Agnes." he simply replied kaya tumango ako.

"Anong oras?" inilapag ko sa harap nya ang kape at naupo ako sa hita nya. Agad naman nya akong niyakap sa bewang at hinalikan sa pisnge. "Choose the company, Rom." pagsingit ko.

"Six in the afternoon." as expected, iniwasan nya ang tanong ko kaya hindi ko ipipilit.

Tumango ako at bumalik na sa pwesto ko.

"Susunduin daw ako ni Beau. Then, tatagpo na lang sa akin sila Chano at Coln." paliwanag nya kaya tumango ako.

Habang hindi pa naalis si Romulo ay nanuod lang kami ng TV maghapon habang si Pororo ay nilalaro namin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko magawang maging masaya kahit kasama ko sya buong maghapon.

Dumating ang oras ng pag alis nya at inihatid ko pa sya sa parking lot habang buhat si Pororo.

"Ibabalik nyo sakin ng buo yan,  ha!"biro ko kaya natawa sila at hinalikan naman ako ni Romulo sa labi.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon