Chapter 3

9.8K 362 147
                                    

Chapter 3

Nagising ako dahil sa mabalahibong nakapatong sa akin. Hindi ko sana papansinin iyon dahil alam kong si Oreo iyon pero natauhan ako nang bigla itong tumahol!

Oh my!

Agad akong bumangon at una kong nakita ay si Romulo na naka sandal sa pinto habang naka white long sleeves na bukas ang butones sa pinakang itaas, itim na slacks, at black shoes. Uniform yata ito ng...

"Wait, anong course mo?"unang lumabas sa bibig ko kaya parang nagulat pa sya saka umiling.

"Engineering."tapid nyang sagot. Si Oreo naman ay sumampa na sa ulo ko kaya napairap ako.

Ngumisi si Romulo dahil sa pwesto namin ni Oreo habang si Pororo naman ay naka kandong sa akin.

"Civil?"tanong ko. Tumango lang sya.

"Hindi kana halos makita dyan. Ang liit mo."pang aasar nya saka lumapit at kinuha si Oreo sa ulo ko. "Kumain ka na habang maaga pa at kaunti pa lang ang tao sa labas."

Doon ako natauhan sa sinabi nya kaya agad akong napatayo sa kama at binuhat naman si Pororo palabas doon.

"What time is it?"tanong ko at sumunod sakanya sa kusina. Binaba ko na rin si Pororo dahil napakabigat nya. Si Romulo naman ay nilagay si Oreo sa island.

"Six in the morning."he replied. Naupo na ako sa isa sa silya doon at sya naman ay sa tapat ko.

"Ang aga ng pasok mo."puna ko.

"Daldal. Bilis na."masungit nyang sagot kaya ngumuso ako at hindi na umimik.

Tinapos ko ng mabilis ang aking umagahan at binuhat na si Oreo papunta sa pintuan ni Romulo pero nagtaka ako dahil kunot noo syang nakatitig sa akin.

"What?"

"Sa backdoor tayo dadaan."sagot nya at naglakad na papunta sa kusina kaya sumunod nalang ako.

"Bakit dito?"

"Do you wanna get caught?"tumaas ang kilay nya at may binuksan sa pinto sa may kusina kaya mabilis akong sumunod. Sinilip ko iyon at halos malula ako sa makitid na hagdan pabana.

So, nasa last floor na pala kami?Walang rooftop?

"Let's go."sabi nya at susunod na sana ako nang muli syang humarap at kinuha si Oreo. "Baka parehas kayo mag slide pababa."

Diretso ang naging pagbaba namin at parehas mabagal ang lakad. Maya't maya ang sulyap ko kay Oreo na bored na nakatitig sa akin habang yakap sya ni Romulo.

"Ayos lang ba na iniiwan doon si Pororo?"tanong ko at nakita ko naman ang pagtango ni Romulo.

"Sanay na sya. Mula freshman ay kasama ko na sya dito."

Ilang minuto rin ang inabot namin bago kami nakababa. Kinuha ko naman kay Romulo si Oreo at gulat ako nang may tumunog na bakal sa gilid namin at gulat akong napanganga nang may matandang bumaba doon na sa tingin ko ay tauhan ng dormitory. And guess what? May open air na elevator lang naman doon!

Lumingon ako kay Romulo at nakita na syang naglalakad sa damuhan dito sa likuran ng dorm.

"You liar!"asik ko. Inosente naman nya akong nilingon.

"Why?"

"May elevator naman pala doon, eh!Ang tagal ng nilakad natin!"inis kong sabi at tumango naman sya.

"Oo nga pala."sagot nya na parang wala syang pinahirapan maglakad. Grr!

Nakarating kami sa parking lot at may iilan nang estudyante doon kaya napayuko na ako at ginamit si Oreo na pantaklob sa akin. Maya't maya kasi ang bati ng mga nakakasalubong nya na akala mo ay kandidato sya!

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now