Chapter 1

12.7K 366 83
                                    

Chapter 1

It's Saturday morning at heto ako, nakakatitig ngayon sa jersey ni Romulo at hindi alam kung isasama ba sa labahin ko iyon.

Argh! He's so annoying kaya!

No choice na ako kaya sinama ko na iyon sa basket at nagtungo sa bathroom ko at nilabahan na iyon.

Tinapos ko na ang lahat ng gagawin ko dahil after lunch ay kailangan ko pumunta sa field para sa volleyball practice ko ngayon. Hindi kami pwede sa gym ngayon dahil may practice ang basketball .

Medyo malapit na kasi ang opening ng tournament kaya naghahanda na naman kami. Actually, ang mga Agnas lang naman talaga ang pinaghahandaan namin sa lahat ng opponents namin.

Sinuot ko na ang jersey ko na pang practice dahil iyon ang ginagamit naming lahat. May nilaan talaga na shirt for practice. Kailangan iyon ang suot namin every practice. Tatlo iyon.

Nag sapatos na ako at high socks na itim saka ako lumabas na ng dorm.

"Shanne, pasilip naman later kung bukas ang faculty, ha!"pahabol ni Bea nang mapadaan ako sa lobby.

"Okay!"sagot ko saka tuluyang nilakad ang mahabang hallway papunta sa field.

Ang dala ko ay gym bag na may laman na bottled water at extra shirt, knee pad, at elbow pad ko. Nakaipit na rin ang buhok ko dahil bawal naman lumaro pag hindi nakatali ang buhok.

Dumaan muna ako Escaso Building dahil naroon ang Faculty. Building talaga sya ng mga Engineering. Mabilis kong tinext si Bea na bukas iyon saka ako dumeretso na sa field.

"Okay, warm up na,girls!"sigaw ni coach nang makumpleto kaming syam. Pero six lang talaga ang naglalaro pag may match kami.

Nag jog kami sa sa field ng halos ilang laps din bago kami nag umpisa sa main practice. Libero ako ng team at nakakapagod din lagi dahil bulok ako lagi! Grrr! Ang bagal ko pa kaya humabol ng bola. Gusto ko sana spiker kaso maliit ako.

Kaya lang naman kaya ako sumali sa sports kasi sabi ni Kuya Lincoln. Kesa daw tumunganga ako pag walang pasok. Wala pa kasi masyadong hard things na ginagawa sa Architecture kaya medyo chill pa lalo na at freshman palang ako. Nagsimula ako maging player ay noong senior high school ako kaya medyo naka adjust na ako.

Wala kaya akong hilig dito! I'm so pa girl lagi then bigla akong in-enroll dahil kay Kuya. Nalaman ko ay player na pala ako kaya hirap na hirap ako noong una.

Pero nakasanayan na rin naman.

"Okay, five minutes break!"sigaw ni coach kaya kanya kanya naman na kaming balik sa bench para makainom ng tubig bago uli magbilad sa initan. Grrr!

May skin care routine kaya ako noong junior palang ako. Then, I stopped na noong naglalaro na ako kasi useless na sya. Lalo na at pag sa beach volleyball kami noon.

Nagsama sama kami sa bench at ang iba ay may hawak na cellphone na habang ako naman ay mas piniling ipahinga ang sarili.

"Grabe talaga sa chicks itong si Romulo, ano?"usal ni Drixy habang nakatingin sa cellphone. Medyo kinabahan naman ako nang maalala ko na nasa akin nga pala ang jersey ng bida bida na iyon!

"Yeah! I saw sa IG kanina na dinalaw sya ni Mikaela sa practice!"si Cassandra.

Nagpaka abala ako sa pagbununot ng damo na inuupuan ko habang pasimple na nakikinig sakanila.

"I thought she dumped him? Bakit dinadalaw?"

"Bobo, girl, she didn't dumped him! He dumped her!"

"Gosh, Mikaela Rosten na yun!"nag d-day dream na sabi ni Sarah saka uminom ng tubig ."But, anyways,  everyone will drool over him naman kasi talaga."at doon na ako napangiwi.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ