Chapter 17

8.7K 283 307
                                    

Chapter 17

"Sure kang lalaro ka mamaya?"

Tanong ni kuya habang narito kami sa DormAtty dahil pinapahilot nya kay ate Aia ang ankle ko.

Medyo masakit rin ang kanang balikat ko pero hindi ko nalang sinabi dahil baka tuluyan akong pigilan ni kuya.

Actually kahapon pa ito masakit eh.Napamali kasi ang bagsak ko.

"Kuya,wala kaming libero na pamalit."ngumuso ako at napangiwi nang igalaw ni ate Aia ang paa ko."Saka may target ako ngayong araw kaya kaylangan ko talaga lumaro."

"Ya,"paghingi na ng tulong ni kuya kay ate Aia.

"Kakayanin nya yan."ate smirks at me saka binitawan na ang paa ko."Kung gusto nya lumaro ay tatagal sya sa court."she added kaya mas namroblema si kuya dahil walang kakampi.

Bumalik din ako sa dorm nang makumbinsi si kuya na lalaro ako ngayon.

Mamaya pang after lunch ang alis namin dahil second game pa naman kami lalaro.Means,alas quatro pa kami.

Ang plano ko ngayon ay makipagkita kay Romulo at mag c-confess ako.Bahala na kung anong kakalabasan.

Kapag gusto nya ako eh di sasabihin ko kay kuya lahat,at kapag hindi...eh di lalayo na ako sakanya at sasabihin ko parin kay kuya ang lahat kahit anong mangyare.

Sasabihin ko na naging friends kami.Yun lang.Kung magagalit sya sa akin ay tatanggapin ko.

Kanina ko pa tinatawagan si Romulo habang naghihintay ako dito sa lomihan.Pumayag naman sya na makipag kita kahit sobrang hirap nya ma contact.

Medyo kinakabahan kasi ako mula kahapon noong kasama ko si Feliciano.Ang sabi ay hindi rin nya makausap masyado dahil busy daw yata sa mga kapatid.Si ate Rhiannon ay nagtanong na din sa amin kahapon dahil bigla daw walang paramdam si Romulo kahit sakanya.

Malapit na matapos ang lunch nang makita ko si Romulo na dumating.

Nakapambahay lang sya at mukhang puyat na puyat nang lumapit sya sa lamesa at mabilis na naupo.

"What is it?"tanong nya na mukhang nagmamadali.

"Kamusta?"tanong ko pero umiling lang sya na mukha pang mas nadagdagan ang problema."H-hindi ka manonood?"

"Shanne,what is it?"marahan nyang tanong.

Nadagdagan ang kaba ko dahil ngayon ko lang napansin ang sugat nya sa may labi.

"Napaaway ka?"tanong ko at akmang hahawakan ang sugat nya pero umiwas lang sya.

"My mother slapped me."he said directly at natigil ako."Now,you have to tell me what is it."

"I,uh..."halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang kaba.

Humalukipkip sya at tumitig sa akin.

"I...I love you."I said, almost a whisper.

Nanlaki ang mata nya saglit at ngumiti ng tipid.

"Thank you,Shanne."

Tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Romulo.Tinitigan nya ako bago huminga ng malalim at tumingala habang hinihilot ang kanyang nose bridge.

"I..."panimula nya at doon ako nabuhayan."Shanne,I...damn it!"he hissed saka tumayo.

"I have to go.Thank you."he ended saka tuluyang naglakad palayo kaya dali dali akong tumayo at sinundan sya hanggang sa makarating kami ng parking lot.

"Is that it?After everything?"hindi ako makapaniwala!

As in?

"Just a thank you?!"naiiyak kong tanong pero dahil ma pride ako ay never akong iiyak!

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now