Chapter 24

9.7K 280 117
                                    

Chapter 24

It's Sunday today, at kaming tatlo nila Pam at Mich ay pare-parehas na naka puti dahil manonood kami ng laro nila Drake.

Kasama namin sila Romulo pagpunta sa dome para manood, pero magkakahiwalay kami nang pumasok dahil hinigit na sya ng ibang team mates nya dati na mga manonood din ngayon.

Bago pa ako makasunod kila Pam ay sobrang dami ko pang nakausap na mga nakalaro ko dati. Ang gusto ko tuloy makita ay iyong mga team mates ko.

May dala kaming tatlo na tig iisang banner. Ang akin ay para sa buong team, tapos kay Mich ay Philippine flag, at para kay Drake naman ang kay Pam.

"Guys, nandyan sila Feliciano at Beau!" tumili si Mich kaya nabuhayan kami ni Pam at agad lumingon lingon sa paligid.

Wala kaming makita dahil sa dami ng tao. Ano ba yan?!

Saka si Beau?! Nandito?!

"Shanshan!"

Natigil ako sa paglinga at nanlaki ang mata ko nang makita sa harapan ko si Beau na ibang iba na ang itsura! OMG!

"You're back! I've missed you!"tuwang tuwa ko syang niyakap at halos umangat na ako sa sahig dahil sa higpit ng yakap nya sa akin.

"Hoy, pota, ang gwapo mo lalo!" tuwang tuwa na niyakap ni Mich si Beau at sumunod naman si Pam.

"Akala ko kasama mo si Feliciano? Sabi ni Mich?" tanong ko saka nilibot ang aking mata.

"Ah, naroon kila Romulo. Kasama si Rhiannon at Mikaela." he replied awkwardly kaya nagkatinginan kaming tatlo. Ako ang unang nakabawi kaya tumango ako.

"Tara, dito ka na sa amin tumabi."

"Si Coln nga pala?" bulong nya dahil napakaingay sa paligid.

"May session sya ngayon." I replied at tumango naman si Beau at sumunod na sa upuan namin. "Grabe, you changed a lot!" I exclaimed kaya natawa sya at tumango.

"Go, Baby!" sigaw ni Pam nang lumabas na mula sa dugout ang players ng Pinas na makakalaban ng Japan.

Nag flying kiss naman si Drake kay Pam kaya nagkagulo ang mga tao dahil kitang kita iyon sa big screen. Pati tuloy kami ay nahagip.

"I love you, Papa Jonah and Papa Drake!"

May sumigaw kung saan at nang ipakita kung sino iyon, mula sa big screen, ay natawa kami dahil si Chris pala iyon na may dalang corny na banner. Nasa tabi nya si Romulo na kabulungan si Mikaela habang si Ate Rhiannon naman ay ka-team dati ni Romulo ang kausap.

Wow, lakas naman pala ni Engineer/Atty. Cabin sa chicks!

"So, kamusta?" tanong ni Beau.

Ang mature na nya tignan ngayon. Wearing his Philippine shirt, a black ripped jeans, and a combat boots— he looked like a damn model!

"I am fine. Ikaw?" balik ko. He stares at me for awhile before smiling.

"Same. Kayo ni Rom,  kamusta?" ngumisi si Beau kaya nanlaki ang mata ko.

"You knew that he's back?" tanong ko at tumango naman sya saka ngumiti.

"I know his plans. Sinabi nya lahat sa akin."

Nagpatuloy kami sa kwentuhan habang patuloy ang laro hanggang sa natapos iyon at nanalo ang Japan. Sayang! The game was close!

"Aww, bawi na lang next game, Baby!" niyakap ni Pam si Drake at nakipag apir sa akin ito.

Naghiwalay ang dalawa saka ngumisi sa amin si Drake.

"Naks! Nakauwi ka na pala, Pare." sabi nito kay Beau saka nakipag fist bump.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now