Chapter 9

9K 289 145
                                    

Chapter 9

It's friday at sobrang ulan sa labas ng gym. May practice kami ngayon dahil wala kahapon. Ang ilan namang nag aasikaso ng banners para sa opening bukas ay nandito rin at busy na mga nakapwesto sa stage.

Walang klase ang lahat ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers at binigyan na rin ng oras ang lahat para sa opening bukas. Hindi pa naman ako kinakabahan para sa akin dahil wala pa akong laro. Kinakabahan ako sa laro ng soccer bukas.

Alas nuebe ng umaga ay tapos na kami sa practice at nakatambay nalang ngayon sa gym habang nakaupo kami ng pabilog sa sahig para sa pagkain ng pizza.

"Who's excited for tomorrow?"tanong ni Kleah kaya nagkaingay na.

"Ako! Grabe, sino kayang mananalo bukas sa soccer?"si Sarah ang sumagot.

"Sana tayo na ang manalo."Mia shrugged. Tumango naman ako habang gutom na gutom na nilalantakan ang pizza.

Naabala ang pagkain ko nang mag ring ang cellphone ko kaya agad kong sinagot ang tawag saka naglakad nang medyo malayo sakanila.

"Yes? Who's this?"kunot noo kong tanong. I heard a giggle.

"Aww, my baby can't remember me anymore!"

Nanlaki ang mata ko bigla. Her voice, OMG!

"Ate Rhiannon?!"

"Exactly, Baby! How are you?"she replied. Na excite naman ako bigla at luminga pa at nagbabakasakaling makita ko si Kuya, kaso wala.

Sayang!

"Nako, Ate, ayos lang. Ikaw?"

"Ayos lang din. By the way, I might be there!"she announced na mas ikinatuwa ko.

Oh my gosh!

"Really?! When, Ate?"

"Baka next month.I don't know yet, eh."

Medyo humaba pa ang usapan namin at marami din syang nakwento sa buhay nya roon. She's also a law student there.

Pilit ko pang sinasali sa usapan si Kuya pero parang ayaw nya pag usapan? Or she doesn't really care na?

Nagpaalam na rin ako sa mga kasama ko na babalik na ako sa dorm. May payong naman pati akong dala. Nag text pa sa akin si Kuya na may lakad daw sila ni Beau na hindi ko alam kung saan dahil hindi ko na tinanong.

Nakarating ako sa dorm at halos ligo na rin ako sa ulan. Buti nalang at nakapag pahinga na ako ng matagal sa gym at hindi na mapapasma.

Naligo na rin ako pagkapasok ko at nagsuot ng sweater at pajama dahil malamig na rin talaga. Mula umaga kasi ay ulan na nang ulan.

Binuhat ko si Oreo papunta sa sala dahil hindi nanaman mapasunod. Grrr!

Abala ako sa panonood ng Garfield habang kalong si Oreo nang may tumunog sa kusina ko. Hindi ko yon pinansin pero naging sunod sunod na para bang may nakatok.

Doon ako natauhan na baka si Romulo iyon dahil sya lang naman ang doon nadaan!

Dali dali akong pumunta sa kusina at nakita si Romulo sa labas ng sliding door at basang basa. OMG!

"A-Ano bang ginagawa mo dyan?!"gulat kong binuksan ang door at hinigit sya papasok. "You're so wet!"I exclaimed at ngumisi sya.

Napaisip ako saglit bago sya pinalo sa braso.

"You're so green minded!"

Mas natawa naman si Romulo na parang crazy. Kaasar!

"Can I have a towel because I'm so wet?"nakangisi nyang sabi kaya sinamaan ko sya ng tingin bago pumasok sa kwarto ko at inabutan sya ng towel.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now