Chapter 12

8.6K 296 88
                                    

Chapter 12

"Guys, yung pen ko baka may nakakita?"tanong ko sa gitna ng rushed na room namin.

Lahat ay abala at nakatungo habang abala sa kanya kanyang plates na kailangan ipasa bukas.

Oo, plates. Meaning, marami. As in sampu! Ang isang plate pa naman ay tumatagal ng 2-3 hours. Tapos kapag hirap ka ay tatagal sya ng forever.

Tapos ang mahirap dito ay hindi lang naman ito ang subject namin kaya talagang mawawalan ako ng tulog mamayang gabi.

Fudge! Kanina lang sinabi kasi!

"Nasa akin, Shanne!"sagot ng kung sino na hindi ko na tinignan at nagpaka abala na lang uli sa pag d-drawing ng ilang floor plan.

It's another busy monday after that game last weekend. Balik pasok kami then Wednesday ay balik court naman. Then, weekend uli. Sabado pa naman ang laro ko kaya wala kaming practice. Acads muna!

Sila Mama naman ay umuwi rin agad kagabi dahil hindi sila pwedeng magtagal dahil sa naiwang trabaho.

"Nawawala ang sketchpad ko!"sigaw ni Ron.

Lahat kami ay hindi na magkaintindihan dahil malapit na ang lunch at isa pa lang ang natatrabaho namin.

Malapit na rin kasi ang semestral break kaya ang daming tambak na gawain tapos sumabay pa itong league. Expected ko na naman lahat ito, ang kaso lang ay hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin ang pressure.

Dumating ang lunch break at si Beau ang kasabay ko sa lunch dahil may klase pa si Kuya. Sa Picaso ground na kami kumain dahil dinalahan nya ako at katulad ko ay busy rin sya.Hindi lang sa plates kundi sa site na pinag tutuunan nila ngayon ng pansin.

Ang alam ko ay ganoon na rin sila Romulo ngayon eh. Doble trabaho na sila tapos paano pa kaya sa fifth year nila? Gosh!

"Urgh! Bakit ba kasi ito ang course na kinuha ko?!"halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil pangatlong ulit ko na ito sa ikalawang plate ko.

Wala pa naman akong klase at mamayang alas tres pa kaya may time pa ako. Kaso, kung ganto akong ka stress ay wala akong matatapos!

"Because drawing is your passion and you love what you're doing."sabi ni Beau habang abala sa laptop nya at ilang onion paper na nasa lamesa.

Naka long table na kaming dalawa dito at halos kulangin pa kami dahil sa dami ng gamit namin.

"Beau, give me will to draw!"madrama kong sabi kaya natawa sya habang sa laptop parin nakatingin.

Palipat lipat ang ginagawa nya. Plates, actual floor plan, then laptop. Tapos may libro pa syang binabasa na parang sinisingit nya dahil nag rereview sya.

Grabe naman yan!

"Think about my face. How beautiful it is."he winked at me kaya inirapan ko nalang sya at nagpatuloy nalang sa ginagawa. Natawa sya sa reaksyon ko at ginulo pa ang buhok ko na kanina pa magulo.

Naging tahimik na kaming dalawa pagkatapos ng ilang biruan.

"Shanshan,"tawag nya sa akin.

"Hmm?"tanong ko.

Nasa pangatlong plate nako! Yey!

"You think I can be a good boyfriend?"out of nowhere na tanong ni Beau kaya saglit ko syang tinignan pero dahil nakatitig sya sa akin ay nagpanggap akong abala sa ginagawa ko.

"Oo naman. You can be a good husband, too."I shrugged.

"Paano mo nasabi?"tanong nya at tuluyang tumigil sa ginagawa. Tumugil din ako saglit.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon