Chapter 10

9.1K 296 106
                                    

Chapter 10

"Let me hear your voice, Arena!"sigaw ng emcee kaya halos dumagundong na ang buong arena dahil sa supporters na kanya kanyang sigawan.

Ready narin lahat ng cheerdancers pati ang mga players na may laro ngayong araw na ito.

Nakahanay na kaming volleyball team kasama ang iba naming makakalaban.

Saints League is composed of seven different University schools ; St.Louis, St.Agnes, St.Sebastian, St.Clark, St.Lucianna, St.Regidor, and St.Javier. Dapat ay walong Saint school ang participants, eh kaso nga ay tumiwalag ang St.Valdemor dahil mas piniling mag focus sa acads.

Hindi ko alam kung ilang sports ang kasali dito sa league. Ang tanda ko lang ay Basketball, Volleyball, Baseball, Soccer, Car Racing, at Archery.

Nakapila lahat ng players based sa sports na kinabibilangan nila. Kitang kita ko si Romulo na katabi ni Kuya sa hanay. Nasa unahan sila dahil magkatabi sa hanay ay ang St.Agnes at St.Louis.

Kung sino pa talagang nagkakainitan ay iyon pa ang pinagtabi. Tsk!

Naka University jacket ako at sa ilalim noon ay ang sando shirt namin na panglaro kahit wala pa naman kaming laro. Required kasi. Naka shorts na rin kami at complete playing attire. Para kaming crazy nito.

"So, before we start the program, let's all watch the prod of each team captain for this season!"anunsyo uli ng emcee at doon ako na excite.

Pinaupo na rin kaming players sa sahig ng arena para hindi mangalay dahil mahaba pa ang program bago ang mga laro.

Nag umpisa nang ipakita ang mga prod ng bawat team captain. Sa basketball nagsimula. St.Louis. May malaking screen kung saan doon ipapakita ang mga gawa.

"Ramuel Drei Suson, jersey 23, from St.Louis University."matapos banggitin ang pangalan ni Rad ay pinakita na sya doon.

"Naks! Ang gwapo!"sabi ni Kleah na nasa likuran ko.

"Ang gwapo, 'di ba, Shanne?"pang aasar na ni Drixy kaya napailing na ako at pinipigilang matawa.

"Yeeii!"

"Hala, yan ba yung nanligaw kay Shanne dati?"tanong ng isang ka school namin na baseball player.

"Oo. Binasted ni Shanne!"

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa panonood. Nakita ko pa ang paglingon ng iilang Agnas dahil sa narinig.

Kilala kasi talaga si Rad tapos I don't care. Mahangin, duh?!

Natapos ang pag a-announce noong sa basketball (boys and girls) at dumako naman sa Archery.

Hindi ko kilala ang karamihan kahit ang captain doon ng school namin. Last na pinakita ay si Jacos.

"Javier Cohen Santiago, jersey 5, from St.Sebastian University."

Nagkanya kanyang tili ang mga babae nang si Jacos ang tawagin. Gusto ko din sana makisali kaso baka sabihan pa ako ni Kuya na malandi.

He's so gwapo kaya!

Sumunod nang tinawag ay ang mga racers.

"Beau Peyton Valmonte, jersey 34, from St.Louis University."

"Nice, Beau!"sigaw ko na kahit nasa malayo si Beau. Kumaway sya sa akin at ngumiti.

Nakita ko ang paglingon ng ilan sa akin at kasama na roon si Romulo na chismoso.

Marami pang tinawag hanggang sa dumako na sa soccer at mas na excite ako doon. Una ang kay Kuya.

Ni-ready ko ang cellphone ko para makuhanan iyon sa malaking screen.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon