Chapter 19

8.8K 287 66
                                    

Chapter 19

"Architect Mendoza, are you on tune?"

"Architect Mendoza!"

"Shanne Rivan!"

Bigla akong natauhan mula sa pagkatulala ko at lumingon kay Enrico na kanina pa pala ako tinatawag.

"Yes?" tanong ko saka umayos ng upo.

Nakakahiya!

Nakatingin sa akin ang lahat maliban kay Romulo na nakatingin lang sa blueprint na nasa lamesa. I cleared my throat as I tried to get my shit together. Argh! Kaasar!

"Ang sabi ko, kung handa na ba para sa tour ng site bukas?" tanong ni Enrico kaya tumango na lang ako dahil baka mapaghalataan ako na nagulantang ako sa nangyare.

But this is very shocking! Damn it!

"Okay, then. Tomorrow, eight in the morning. Sharp." pagtatapos ni Enrico kaya nagsitayuan na kami. Ang iba naman ay diretso labas na dahil may mga trabaho na naghihintay.

Agad namang lumapit sa akin si Yuan.  Trainee palang.

"Architect Mendoza, kailan mo kaya mabibisita?" tanong nya at napatampal naman ako sa noo ko.

"Gosh, I'm so sorry! Oo nga pala!"I exclaimed and took my coat from my chair. "Pwede bang ngayon?" tanong ko at halatang nagulat sya saka tumango.

"Oo naman, po!"

"Okay, let's go."

Sabay kaming lumapit ni Yuan kay Martin na nasa isle pa at abala sa ilang papeles habang sila Enrico,  Romulo, at Bianca ay abala pa sa pag uusap.

"Engineer, we're going now." tinapik ko sa braso si Martin kaya doon napaangat ang tingin nya sa amin.

"Saan lakad nyo nitong si Yuan?"at nag uumpisa na po sya.

Napalingon sa gawi namin ang tatlo na kanina ay nagtatawanan. Hindi sila nagsasalita pero pasimple ang kanilang tinginan.

"Sa may St.Regidor area lang. We'll check some detes doon sa site." sagot ko at tumango naman si Yuan bilang pag segunda.

"Bumalik ka kaagad, ha? I have something to discuss with you later."  Martin shrugged before going back to his paper again.

Palabas na kami nang may pahabol pa si Martin.

"And please, don't date young men."

"Fuck you, Boss!" pambabara ko nang may kaunting pag galang saka kami tuluyang umalis ni Yuan.

"Close talaga kayo ni Boss ano,  Architect?"natatawang tanong ni Yuan nang nasa parking lot na kami.

"Sakto lang." sagot ko saka pumasok sa aking kotse. "Convoy nalang, ha?" agad tumango si Yuan at pumunta na sa kanyang sasakyan at pinauna ko na sya.

Buti at nakaalis na doon sa lugar na yon.

Bakit ba kasi narito sya?

Wala na kasi akong balita sa mayabang na yon. Hindi na ako gumamit ng social media accounts simula nang umalis sya. Nakaka imbyerna kasi! Puro sya ang laman kahit saan.

Si Martin naman ay ka close ko na mula fourth year college. Sa St.Sebastian sya nag aaral dati at nakasabay ko sa OJT. Hindi ko naman alam na CEO pala ang loko.

"Ilang hectares nga uli yung main area nito?" tanong ko matapos tumapak sa malaking tipak na semento na galing sa kagigiba lang na establishment.

Perahas na kaming may suot na protective gear.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon