Chapter 23

10K 300 159
                                    

Chapter 23

"Architect, idi-deliver na raw yung mga tiles na kakailanganin for the lobby floor." Lyn said after taking her call kaya tumango ako.

Narito kami sa site ngayon ng St.Javier para sa kaunting checking ng mga idi-deliver na materials.

Mamaya ay susunduin ako ni Chris dahil pupunta kaming Tagaytay mamaya para naman tignan ang mansyon ni Romulo doon. Then, si Romulo ang kukuha sa akin dahil pupunta kami mamaya sa restaurant para sa dinner with Raciela, Rafael, and Bryce.

Abala ako sa pag te-take down notes nang biglang dumating si Pam at Mich. Ang suot pa nila ay mga pang corporate kaya naiiling ko silang sinalubong galing sa tent.

"Tuloy po kayo, Ma'ams!" I sarcastically said, but they both laughed.

"Ikuha mo nga kami ng tubig, Alagad." ganti ni Mich na ikinainis ko lang saka sumimangot at naupo ma uli sa pwesto ko.

"Bakit ba kayo napadalaw?" pikon kong tanong at naupo naman sila sa tapat ko.

"So, kamusta naman ang love life mo, Miss?" tanong ni Pam at itinapat pa sa akin ang kamay na akala mo ay mic yon.

"Wala akong love life." umirap ako at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Oh? Kaya pala usap usapan online na 'Rore is spotted with the Little Louto'?" bumungisngis ang dalawa at nangunot ang noo ko doon saka sila tinignan.

"Anong online?" tanong ko. They both shrugged and Pam took her phone.

"Hindi mo alam?" tanong nya saka nag scroll.

"Alam mo namang taga bundok na iyan!" humalakhak ang baliw na si Mich kaya hinigit ko sya sa buhok.

"Here, oh!" iniabot sa akin ni Pam ang cellphone nya at kunot noo ko namang tinignan iyon.

Ilang pictures namin iyon ni Romulo na puro sa site naman kaya binalik ko na kay Pam ang cellphone.

"Magkatrabaho kami, duh?" I shrugged. "Saka bakit pati kayo ay naniniwala dyan, ha?"

"Gaga, bakit ka kasi nag deactivate dati! Hindi mo tuloy nakita yung picture nyo ni Romulo na stolen."

"Alin na naman?"

"Yung first game mo sa Saints League tapos talo kayo agad?"

At humagalpak na naman ng tawa ang dalawa kong kaibigan na mga baliw.

Umalis din ang dalawa matapos mangulit dahil malapit lang naman dito ang pinapasukan nilang trabaho.

Dumating naman si Chris at agad din kaming umalis matapos mamili ng pwedeng kainin sa daan.

"Malapit na mag simula ang league, ah."he said suddenly.

"Aling league?" tanong ko habang nakatingin sa labas at hawak ang ilang papel.

"Soccer league. Sila Drake at Jonah nalaro pa rin, di ba?"

"Ah, oo. Baka manood ako at sinabihan ako kanina ni Pam na manood daw kami." I shrugged.

"Manonood din kami ni Romulo." he smirked kaya tumango ako.

"See you, then."

Nagpatuloy kasi sila Drake at Jonah sa pag so-soccer habang si Romulo at Chris naman ay nag focus na lang sa trabaho dahil may mga kompanya na parehas na hina-handle.

Drake is Pamela's boyfriend for two years now. Nito ko lang din nalaman dahil hindi rin naman alam ni Mich. Na guilty daw ang gaga kaya nasabi rin. Ayaw daw nya sabihin dahil baka raw masaktan ako kapag nalaman nya na may koneksyon sya sa kaibigan ni Romulo.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon