Chapter 7

9.4K 286 91
                                    

Chapter 7

"May training ka bukas?"tanong ni Kuya habang nakain ng lomi na dala ko. Na binili ni Romulo.

Ano kayang reaksyon ni Kuya kapag nalaman nyang iyang kinakain nya ay galing sa kaaway nya? Funny. I'm dead.

"Wala. Tapos isang period lang ako. Two hours yon."sagot ko habang abala sa pagpipinta sa canvas ko na medyo malaki.

"The fuck, mine's very different, you know?"angal nya at tinabi na ang plato sa kusina. "Si Oreo?"tanong nya habang nililibot ang tingin.

"Napagod siguro kaya ayun, tulog na sa kwarto. "I shrugged at tumango naman sya saka nahiga sa couch ko at nagbukas ng TV. "Dito ka tutulog, Kuya?"tanong ko dahil chill na sya sa pagkakahiga.

"Yeah. Nakakatamad bumalik sa dorm. Masakit ulo ko."he simply replied and buried his face on the throw pillow.

Hindi naman na ako nagsalita dahil baka mas sumakit lang ang ulo nya kaya nagpatuloy nalang ako sa pagpipinta.

Bukas kasi ito ipapasa tapos may long quiz pa raw pala kami bukas. Maya maya na ako mag rereview pagkatapos nito dahil matatapos naman na.

Mga alas nuebe siguro at tapos ko na ang painting ko nang makatanggap ako ng message sa IG mula kay Romulo at halos lumuwa ang mata ko after mabasa iyon.

RomCabin:outside your dorm.At the back.

Dali dali naman akong pumunta sa kusina dahil naroon ang pinto palabas sa likod at totoo nga! Nandon si Romulo na may dala yatang onion paper na naka roll pa at nakalagay sa kanyang braso.

Oh my gosh, why?!

"Anong ginagawa mo dito?!"pabulong kong sigaw dahil baka magising si Kuya! I'm dead meat!

"Can I have my studies there? I forgot my keys inside my room."bored nyang sabi kaya sinenyasan ko syang tumahimik.

Gosh, what to do ba?!

"Kuya's here!"I replied. He nodded.

"Maybe you could come with me? I know a place here where we can study."he shrugged kaya napaisip ako saglit.

Ayaw ko kasi talaga! I mean, hello?!  It's too risky knowing that he's inside our vicinity! Louis can be everywhere outside their dorm!

Eh kaso... ang dami na nyang nagawa for me. Gosh!

Sumenyas uli ako sakanya ng wait bago ako bumalik sa loob. Sinigurado ko munang tulog na si Kuya bago ko kinuha ang aking gamit.

Nag message nalang ako kay Kuya na may kukunin ako sa library at doon narin mag rereview nang makababa ako sa likuran. Inalalayan pa ako ni Romulo bago ako tuluyang nakababa.

"Saan ba?"tanong ko at inabot naman nya sa akin ang mga gamit ko.

He's wearing a hoodie grey jacket and his soccer black shorts at tsinelas na itim.

"Jagi Books."he simply replied at nanguna na sa paglalakad. Nagtataka naman na sumunod ako sakanya.

"Wow! Sarado yata yon!"habol ko. Umiling naman sya sa parang alam na alam nya iyon.

Coffee shop na library kasi ang Jagi Books. Narito lang iyon sa loob ng school. Hindi pa ako nakaka punta doon ng ganitong oras kaya di ko sure kung bukas iyon.

"24/7 open."he simply replied again.

Tahimik ang paligid habang tinatahak namin ang napakahabang hallway ng St.Louis. Wala ang mga Louis dahil siguro ay mga lugaw na ang utak sa seminar kanina.

Naapwesto ang Jagi Books sa may dulong bahagi ng University kung saan naroon ang mga building ng Senior high students. Pwede naman pumunta dito kahit sino.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt