Chapter 25

10.2K 284 22
                                    

Chapter 25

Dumaan ang mga linggo at masasabi kong wala na akong mahihiling pa sa ngayon.

Romulo is like a dream come true to me. Tama nga sila Drixy dati. Na dream come true raw kung sakaling magustuhan ako ng isang Romulo Reuel Arnaiz Cabin.

Pero kahit ganoon, pakiramdam ko, lagi akong dapat makipag karerahan pagdating sa kanya. It's like, I always need to do a race to sixty just to reach him. Just to fit with him.

But for now, I just wanna enjoy my life with him. Or if the luck will be mine forever, then I want to be with him for the rest of my life, through thick and thin.

Kagagaling lang namin kanina sa site sa Tagaytay at dumaan na rin kami sa bahay at pinakilala ko na sya as my boyfriend. Wala namang ibang comment sila Mama. Nagpaalala lang na maging responsible at huwag gagawa ng mga bagay na parehas na ikasisira naming dalawa.

"What's your plan?" tanong ni Romulo nang makapasok kami sa condo ko.

Agad syang humilata sa couch, feel at home na feel at home na ang loko.

"Grocery." tipid kong sagot at dumeretso na sa kwarto ko at mabilis na nagpalit ng sports bra na itim at pajama na pink.

Bumalik din agad ako sa sala. Umirap si Romulo nang makita ang suot ko pero hindi na rin naman nagsalita pa.

"You can stay in my condo if you want to. Hindi mo na kailangan gumastos." he offered. Tumango lang ako at nagsuot na ng tsinelas.

"Or pwedeng ako na lang ang lumipat dito."

"Shut up, Rom."

Sya naman ang pumasok sa kwarto para makapag bihis na rin. May ilang damit na sya dito dahil ilang beses na syang nakikitulog. Nag aaya pang lumipat ako doon pero sya itong unti unti nang naglilipat bahay dito.

Pagkalabas ni Romulo sa kwarto ay naka plain white shirt na lang sya at Nike short na kulay itim.

Gustong gusto ko ang itsura nya kapag nakapambahay lang sya na damit.

May naiisip kasi ako sa porma nya kaya kinikilig ako. Kaporma nya kasi yung magiging asawa ko.

Gosh, landi at its finest!

Palabas na kami nang dadamputin na sana nya ang wallet nya mula sa coffee table nang samaan ko sya ng tingin, kaya napalunok sya at dahan dahang binitawan iyon pabalik. Susi at cellphone na lang ang kanyang kinuha.

"I want to provide for you." angal nya. I've heard that for the nth time.

"I will provide for myself as long as we're not married." I kissed his cheek before walking out my condo. He followed me after locking the door.

"Then, let's get married now!" he smiled as if that's a small thing. Natawa ako at tinapik ang pisnge nya saka ako humawak sa braso nya.

"Not so fast, Mr.Cabin."

"I am just being practical, Mrs.Cabin." ngumuso si Romulo.

Natatawa na agad ako sa naiisip ko.

"Kung ako si Mrs.Cabin... then, hi there, Son!" pang aasar ko at inirapan nya ako kaagad. "Joke lang!"

Kotse ni Romulo ang ginamit namin papunta sa grocery store at mabilis kaming pumasok sa loob dahil anong oras na rin at may pasok pa kami bukas.

"I think you should buy these." nilagay nya ang sangkatutak na gulay sa cart at napairap na lang ako habang abala sya sa pagtutulak noon.

Kumuha ako ng ilang pack ng kape dahil mabilis nauubos ang kape sa condo dahil parehas kaming adik doon. Ang party life nya ay pagkakape rin.

Kaya masasabi kong kami talaga ang para sa isa't isa.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now