Chapter 18

9K 299 104
                                    

g: Pa-extra lang puuu! About dun sa part na magtetake ng exam si shanne for licensure (spoiler: her exam will happen in this chapter) ay mali po ako about doon sa 6 months. It's should be 2 years before u able to take the licensure exam. I know it's not that big detail pero itinatama ko na rin po to avoid the misinformation. Natapos ko na rin kasi yung story bago ko nalaman kaya sorry po kung hindi ko na pwedeng baguhin huhu. Magugulo po yung timeline kaya sorry po talagaaaaaa!

Salamat sa pang-unawa at sa nagpaalala! <3




Chapter 18

Months have passed and Romulo didn't show up.

It made me cry all over again. But, I promised to myself that that's the last cry for that guy. I've had enough.

Maybe it's true. Loving him will benefit me nothing but just a frail state of mind. Blah!

Apat na laro ang hindi ko nalaruan at semi finals na ako nang nakabalik matapos ang injury ko. Nakarating kami ng finals at nag champion. Hindi ko nakuha ang title as best libero pero naging best rookie of the year naman ako.

Sila Kuya nag champion din, same goes to Beau. I don't know, but after Romulo's departure ay nanahimik ang buong Agnes Nation. Mga nawalan na siguro ng gana dahil nawala na ang kanilang Rore na nagdadala ng maraming ingay para sa St.Agnes.

That's sad for them, and pure hatred for Romulo. Well, that's just for me. Ewan. Nainis na lang ako sa kanya instead of waiting for him.

"Message me frequently, okay?"naiyak kong habilin kay Beau habang nasa harapan ko sya at pinapanood ang pag iyak ko. "Make sure not to let a meal pass!" I added.

Nasa airport na kami ngayon kasama sila tita Bea. Narito din sila Mama at lola ni Beau dahil paalis na si Beau at hindi alam kung kelan ang balik.

"Oo na, huwag ka na umiyak,  please."inayos ni Beau ang nagugulo ko nang buhok saka ako dahan dahang niyakap kaya mas naiyak ako. "Babalik pa naman ako! Sya lang ang hindi." biro nya habang hinahaplos nang marahan ang ulo ko. He kissed my head.

"Buti ka nga nagpaalam eh." nahikbi kong usal habang nakasiksik ako sa dibdib nya.

"Babalik pa naman si Beau, hija." pag aalo din sa akin ni Tito Urland.

Ang unfair ng pagkakagawa ng pangalan ni Beau. Letter U lang ang participation ni Tito Urland.

"Message me when you're there." tinapik ni Kuya si Beau sa balikat saka sila saglit na nagyakap.

"Sige, Pre. Wag mo kong iyakan masyado at baka bumalik agad ako,  sige ka!" biro ni Beau kay Kuya kaya natawa rin kami.

"Gago. Mag move on ka na don. Wala kang babalikan dito." ganti ni Kuya kaya gulat na napatingin sakin si Beau at tinulak si kuya sa braso kaya nagtawanan silang lahat bukod sa akin na hindi maka relate sa sinasabi sila.

Hinarap uli ako ni Beau at niyakap nang mas mahigpit kaya kahit nagtataka ako ay niyakap ko na lang din sya pabalik.

"Reserve your heart to someone who's worth having it." sabi nya habang nakahawak sa noo ko.

"Yeah." sagot ko nalang.

"Tulad mo, Beau?"biro ni Tita kaya natahimik ang lahat saglit pero nagtawanan rin sila.

Tuluyang nagpaalam si Beau nang tawagin na ang flight number nya.

Kinabukasan ay si Kuya naman ang hinatid namin sa panibago nyang dorm para sa law school na papasukan nya. Well, his another study. I don't get it, too.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Where stories live. Discover now