Chapter 8

9K 331 86
                                    

Chapter 8

"Oh my gosh, what to wear ba?!"tanong ni Mich habang abala sa paghahalungkat ng closet ko na hindi ko naman ginagamit.

May cabinet kasi ako dito sa may ulunan ng kama ko dahil tamad ako.

"Pwede ba wag kayo maingay?!"inis kong binato ng unan si Mich pero hindi manlang ito naabot.

Tumayo na lang ako sa kama ko at naghalwat ng pwedeng masuot doon. Kumuha na lang ako basta. Kay Beau na shirt ang nakuha ko.

Kulay grey ito na shirt na may Philippine flag na tatak sa upper right corner ng damit. Tapos may nakasulat sa upper center nito na 'Philippine Racing Club'.

Yep. He's a member already. Panglaban na. Natalo lang nitong nakaraan dahil sa hambog na si Romulo.

Sa likurang bahagi ng shirt ay may number thirty-four at BPV sa itaas nito. Ang sinuot kong pambaba ay volleyball shorts ko na lang dahil walang wala na akong maisip. Nag suot nalang din ako ng sandals na itim na kagaya noong kay Romulo, kaso, pambabae na style ito.

"Wow, hiyang hiya naman sa inyo ang may ari."sarcastic kong sabi sa dalawa matapos silang pasadahan ng tingin.

Suot nila ang mga dress na bihira kong isuot dahil wala naman akong pagsusuutan.

"How do I look?"sabay na tanongng dalawa at nagtulakan pa sa harap ng salamin.

Kinuha ko na ang shoulder bag ko na may lamang cellphone at wallet saka ko dinampot ang susi sa ibabang ng side table ko.

Nakarating kami sa parking lot ng St.Sebastian at si Romulo ang una kong nakita doon.

Good Lord!

Ngayon ko lang sya na appreciate sa jersey uniform nya.

He's wearing a white jersey shirt with their school's name at the front. Tapos, kulay puti rin ang shorts nya na obviously ay sponsored ng Nike. Naka kulay itim syang high socks at itim rin ang soccer shoes nya. Mayroon din syang knee at elbow pads na parehas kulay itim.

"Son! So gwapo!"kinilig na agad ang dalawa nang makita nila si Romulo.

Nang mai-park ko ang sasakyan ay dali-daling bumaba ang dalawa at lumapit agad kay Romulo.

Saka lang kami napansin dahil abala sya sa pagkutkot ng semento gamit ang sapatos nya.

"Hi, OMG! Thanks for inviting us!"tuwang tuwa na sabi ni Pam dito at saglit pang pumisil sa braso ni Romulo. Ganoon din naman si Mich kaya agad ko silang hinigit sa braso.

"Girls, ano ba?!"mariin kong bulong at nakita ko naman na napangiti sa aming tatlo si Romulo kaya tinigilan ko na rin ng sermon ang dalawa.

"Hanap nalang nga tayo ng atin!"at inirapan pa ako ni Mich saka sila sabay na naglakad papasok ng St.Sebastian.

"Girls, bumalik nga kayo dito!"sigaw ko at medyo nauna pa nang kaunti kay Romulo kaso nahiya naman ako kaya humarap ako sakanya.

Mariin syang nakatitig sa damit na suot ko.

"That's Beau's."nginuso pa nya ang damit saka naglakad na papasok kaya sumunod ako sakanya at sumabay.

Mabuti nalang dito gaganapin. Walang Agnas at mga Louto.We can act normal.

"You should've worn my shirt, instead."mahina nyang sabi at halos hindi ko marinig pero common sense nalang siguro kaya na gets ko.

"Ano?"

"Wala. Let's go."umiling sya saka huminga ng malalim bago naunang maglakad.

He looks like mad. Bigla.

Racing to Sixty (Saint Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora