Kabanata 1

707 203 66
                                    

Lady Marionette Romero. That's my name. Tunog sosyal. Idc. Ordinaryong mag-aaral lang naman ako. Karaniwang mamamayan ng bansang ito. A typical  girl who sleeps most of the time, who don't care about what other people  might say, and who doesn't give a damn about what's going on around me.


I am not a rebel without a cause. I'm nobody's daughter. Saka wala naman akong parents na pagrerebeldehan. Sayang time. Itutulog ko na lang. May mapapala pa ako.


They call me Ladyma. I will rather appreciate it if they won't. Because I don't even call them  by their names. Para fair. Ayokong makialam sa mga issues nila sa buhay. And I'm okay with my own life issues. Huwag nang dagdagan pa.


I've got no story to tell about my life. It's boring. Nakakaantok. Nakakatamad. Nothing interesting. Nothing special.


Hindi ako kagaya ng ibang kabataang kaedad ko na puno ng kuwento ng masasayang alaala ang childhood. Mine was just bland, white and black. No remarkable stage.


'Yong 17 years of existence ko sa mundo ay parang kamay lang ng orasan. Lumipas at patuloy na lumilipas. Kailan kaya mag-eend? Parang ang tagal.


Tapos na ako ng junior higshchool, namumuhay mag-isa. Bayad na din 'yong upa ko sa apat na sulok ng kwarto ko sa bahay na pinapaupahan ni Aling Tess, 'yong landlady naming on time maningil pero laging late kapag may ipapaayos na sirang ilaw, sirang tubo, baradong CR at kung ano-ano pang sira.


I don't pay for my rent and my bills. Ang sabi ni Aling Tess, may nagbabayad daw  every three months. Which I think is the same woman who brought me here in this place when I was five.


Hindi ko din problema ang pag-aaral ko. May educational plan ako sa BCA. But it will expire once I graduate in senior high school. May matutulugan. May monthly allowance. May makakain.
Sabi nga ng mga taong nasa paligid ko, mapalad daw ako.


Nakakatawa lang.
Wala silang alam.
Hindi nila alam.


Nakakatamad mag-aral kaya nag-stop ako ng isang taon. I took the risk kahit alam kong matatapos yong educational plan ko that year. Bahala na next year. Bahala na si Batman, if he ever exist in reality.


Sa boarding house lang ako madalas.
Tulog.
Kain.
Nood ng anime.
Tulog ulit.


Wala namang may pakialam. Kahit nga mamatay ako dito kinabukasan, wala namang iiyak o mag-aalala. Sa tingin ko. I don't have friends anyway. I don't have a family.


Unbinding Ties of SlothWhere stories live. Discover now