Kabanata 49

393 168 18
                                    

"Tay! Lumabas na naman kayo. Kabilin-bilinan kong huwag kayong lalabas nang walang kasama." Sigaw ng isang matabang babae di-kalayuan. Nang makalapit siya sa amin ay agad niyang hinawakan ang braso ng matanda para alalayan.


"Naku, Miss! Naabala ka ba ni tatay? Pasensya na, makulit ito at madaldal. Kung ano-anong naaalalang ikwento." Nakangiwing hinging paumanhin ng babaeng nasa early forties siguro.

"Sige, ineng. Mauna na kami at gabi na. Mag-iingat ka sa pag-uwi." Paalam nito.

"Sige po. Salamat po, Lo." I said as I finally found my voice after recovering from the shock.  Napailing-iling ako.


Is this real? Or the information is wrong? How reliable and believable is that old man? Pero, alangan namang maghabi siya ng kuwentong hindi niya nasaksihan kailanman? I don't think that old man lied. Malakas ang kutob kong totoo ang sinasabi niya.

I called Dionne while I'm on my way back home.

"I need your service." Seryoso kong bungad sa kanya.

"Wow! Hello to you, too! Binibini! Wala man lang Hi, kamusta?"

"Drop it. I'm not in the mood."

"Grumpy as ever. 'Yan napapala ng walang lablayp. Tigang. Kaya pati mood, nadadamay."

"Ahy! Bakit ikaw, may dilig? May boyfriend? May lovelife?" Ganti ko.

"Wala. Wala. Wala. Happy?"

"Listen! I need you to investigate something. I mean on someone."

"Uy, Ladyma! Abuso ka. CEO ako ng agency ko. Tapos gagawin mo lang akong PI mo."

"Ayaw mo?"

"Siyempre gusto ko. Siguraduhin mong machachallenge ako dito, ah."

"Mas challenging ito kaysa maghabol sa ex mo." Pang-aasar ko.

"Do you want my service or not?" Saad niya na tila naiinis na.

I instructed her what to do. Nagulat pa siya nang mapagtantong tungkol ito sa accident case ni Joya a year ago.

At mas lalo siyang nagulat sa taong gusto kong paimbestigahan. Mukha namang naintindihan niyang wala pa akong maikwekwento sa kanya dahil tahimik siyang nakikinig at hindi siya nagtanong ng kung ano-ano.

Malapit na. Just wait, Joya.

Kinabukasan, lutang ako buong maghapon sa mga klaseng hawak ko. Nag-out ako ng 4:30. Sadya kong hindi ipinaalam kay Paco dahil ayoko siyang isama sa lakad.

I've got some basic info from Dionne this morning. Kaya nang matapos  ang huling klase ko ay nagmadali akong  pumara ng taxi papunta sa isang sikat  na subdivision sa buong city.

"Hirap akong ma-access ang classified info. It has been deleted from their system. I am now tracing the police officer who handled the case. Matagal na daw nag-render  ng resignation." Paliwanag ni Dionne nang tumawag siya kaninang umaga.

Bakit nagresign? Nakakapagtaka, anang kalooban ko.

Hindi namin ito ipinaalam sa buong GC. Saka  na siguro kapag kumpirmado na ang lahat. Pinaghintay  ko na ang taxi dahil may gusto lang naman akong kumpirmahin. Kahit kinakabahan, buo ang loob ko. I am thirsty for the truth.

Unbinding Ties of SlothWhere stories live. Discover now