Kabanata 16

471 189 18
                                    

When I turned around, napakunot- noo ako habang kinikilala ang mga taong papalapit sa kinatatayuan ko. Napa-O ang bibig ko upon realizing that the girls are here!

Seryoso? Anong ginagawa nila dito?
Mas lalo akong nagulat nang mabasa ang laman ng hawak-hawak nilang tarpaulin. It has a big congratulations then my full name ako sa ibaba plus yong course ko.

Then, there's a picture of me, smiling widely at the upper left corner. Kuha iyon ni Joya na ipinost niya sa Fb account ko noong nag-birthday ako.

Hindi pa ako nakabawi mula sa pagkabigla ay nakalapit na sila sa akin.

"Akalain mo 'yon? Tutulog-tulog ka lang sa klase niyo pero gagraduate pa din? Kakabilib!" Komento ni Dionne. Seems like she has done a thorough background check about me.


"Ahy ga-graduate ka pala girl? Akala ko ay aattend ka lang ng horror party?" Pasaring naman ni Cleofe.

Nang tinaasan ko siya ng kilay, hinila niya lang ako at pinaupo sa pinakamalapit na upuan bago inilabas ang make up kit na nasa loob ng bag niya at sinimulang kutingtingin ang mukha ko gamit 'yong brush, against my will. Pero wala na akong nagawa dahil ayaw akong patayuin nina Shaza at Jem.

"My pride can't take seeing you like this. Graveyard. Ugly." Simpleng saad ni Cleofe. Kaya daw pagagandahin niya ako sa abot ng kanyang makakaya.

"Sa'n after party? Gusto mo mag-bar? Sagot ko. Pakilala kita sa mga boys." Offer naman ni Ivana habang nakapikit ako para sa eyeshadow ko.

I just smirk. Here it is. Ivana and her boys!  Naparoll eyes ako sa imagination ko.


"Kakagraduate lang tapos isasama mo ng manlalaki, sarap mong sapatusin, gurl." Kontra ni Dionne.

"Tsinelasin din kita, gusto mo?" Sabad naman nitong si Ivana.

"I'm done here. Umayos kayong dalawa diyan. Ayusin niyo ang paghawak sa tarpaulin. 'Yan lang ang magiging contribution niyo sa gabing ito." Paalala ni Cleofe.

After 15 minutes, mukha na akong binibining marikit. Napangiti ako nang makita ang anyo. Cleofe was more than good. She's great with make-up and clothes. Mukha na akong walang pinagdadaanang delubyo.

Nang magsimula na ang program, pumunta na ako sa reserved seat ko samantalang si Shaza ang tumayong guardian ko. The other girls went outside the barricade where seats are offered for the other guests or visitors.


I appreciate their efforts especially Shaza who stand by my side. She assured me that everything will be fine. But as I went up to the stage and realized that Joya is not around, my tears started to fall.

Hindi ko napigilan ang mapaiyak for two reasons. Una, dahil graduate na kami ni Joya. Pangalawa, dahil wala siya. Wala 'yong taong nagsilbing pamilya ko for 6 years at nagbigay ng inspirasyon sa akin para mahanap ang purpose ko sa mundo.

"No matter where you are Joya, I will find you and thank you, personally. We'll see each other again, I promise." I uttered bago bumaba sa stage. Pagkatapos ng ceremony, the girls approached us with wide smiles on their faces.


"So, what's the plan?"

"Where to?"

"This calls for a celebration!"

"Come on, let's rock this night!"

Halos 'di ako nakapagsalita nang sunod-sunod silang magkomento.

Unbinding Ties of SlothWhere stories live. Discover now