Kabanata 7

509 202 19
                                    

......

It's Saturday morning, 7:00 AM ayon sa wall clock sa sala. Nakaupo ako sa sofa, holding my phone while watching anime.


Napaangat ako ng tingin nang makitang pababa si Joya sa hagdan. Bihis na bihis. Naka-crop top siya at high waisted blue jeans.


"May lakad?" Tanong ko. Wala naman kasi siyang binabanggit sa akin.


"Dito lang."


Wow. Pangbahay niya lang yong crop top? Siya na talaga. Lods!


"Oh, buti di mo naisipang mag-gown?" kantiyaw ko.

"Muntik na." She giggled.


"Anong meron?"


"May bisita ako."


"Sino?" Curious kong tanong. Sa tatlong taon naming pagtira sa iisang bubong, never siyang nagkaroon ng "bisita". Wala pa siyang naipapakilala sa akin na kahit sinong kamag-anak o malapit sa kanya.


Maybe because she knows me too well. That I am not interested in meeting any of her family members, or anyone in general. Ayos na ako na siya lang 'yong pamilya at kaibigan ko.


"Sekreto. Malalaman mo mamaya." Pabitin niyang saad.


Napakunot ako ng noo. Something is fishy. Kung parent niya 'yon, walang pasekretong ganoon.
So, it must be someone special to her. A suitor, I guess. Kasi wala naman siyang nababanggit na boyfriend. 


Unless...


"Tinignan mo 'yong sinasaing?" Maya-maya'y tanong niya nang nilagpasan ako at tinungo ang kusina.


"Huh?" nagtatakang tanong ko.


"Meron ba? " dagdag ko sa naunang tanong.


"Ladyma!" Tawag niya sa akin kaya napahangos ako papunta sa kanya. Umaalingasaw ang amoy ng sunog na sinaing sa buong kusinaPinatay niya kaagad ang kalan at seryosong tumingin sa akin.

Unbinding Ties of SlothKde žijí příběhy. Začni objevovat