Kabanata 24

464 186 40
                                    

Pinaningkitan ko siya ng mga mata habang papalapit sa kanya. He opened the door wider.


"Baby-tawan? Baby-guin?"


"Baby-gyan ng forever." Balik niya.


"Baby-gwasan kita kung 'di ka pa tumabi diyan." Banta ko. He chuckled as he motioned his hand outside with a matching bow. Nang muli siyang mag-angat ng ulo mula sa pagkakayuko ay binigyan ko lang siya ng masamang tingin.


"Sabi ko nga, kakain na. Before you, mi lady."  Saad niya na tila nang-aasar na naman.


"Ladyma." Pagtatama ko.


"Mi lady." Pilit niya. Ipinaghila niya ako ng upuan. But instead of taking his offer, I chose the other seat beside it. Nakita ko ang pagkamot niya sa likuran ng ulo habang napapailing.


"Ang hirap mo pa lang i-please, Binibini." Nakangiting saad niya. I ignored his unrequited remarks.


Bago kami kumain. He volunteered to pray. I remembered  Joya again. Siya din ang nagturo sa akin na laging magdasal bago kumain. How I missed my best friend.


Nagsimula siyang maghain sa plato ko. Hinayaan ko na lang. Mukhang ayaw magpaawat. Feeling close din tong isang 'to. He cooked chicken curry. Parang si Joya lang din noon.


"Here's your peace for lunch." Biro pa niya.


Nakatingin lang ako sa ulam. I learned cooking this food because of Joya. Hindi ko masyadong gusto ito noon, pero dahil sa kanya, nakasanayan ko na ang lasa. Ayoko kasi ng lasa ng luya.

"Next in line, your solitude for dinner." Dagdag pa niya.


"Gusto ko ng beef broccoli." Request ko bigla. Isa iyon sa mga naging paborito namin ni Joya. Nakadagdag nga iyon sa listahan ng menu namin sa itatayo naming resto balang araw.


"Sure. Just tell me kung may request kang meal. Ipagluluto kita." Napatango na lang ako. After two months, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng matinong kain.


"Masarap?" Napatitig ako sa mukha niya. Napansin yata niyang tuloy-tuloy ang kain ko. Ngumuya ako at lumunok.


"Maalat."


Nang dumukwang siya sa harapan ko at pinahid ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya, doon ko lang namalayang umiiyak pala ako. Kaya pala maalat yong curry. Kasi humalo sa kinakain ko 'yong luha ko.

Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon