Kabanata 41

399 174 34
                                    

Katatapos ko lang magpalit  nang marinig ko ang mahihinang pagkatok mula sa pintuan at ang dahan-dahang pagbukas no'n. Sumilip ang ulo ni Paco mula sa maliit na siwang.

"Pwedeng pumasok, Binibini?"

Tumango lang ako at inabala ang sarili sa pagpupunas ng basang buhok gamit ang light pink na towel. I didn't make a big deal out of what happened this morning. We agreed to our share for the food. We even went to the market to buy some goods.


I find his company just fine, all in all. Maliban sa mga banat niyang sumisingit paminsan-minsan. He didn't bore me. He's kind, caring, polite and a true gentleman. Nakita ko iyon sa kung paano niya ako itrato maging ang ibang tao na nakakasalubong namin.

He entered my  room like he's been familiar around the place. Alas-otso na ng gabi. By 9, I should be asleep. He must have been checking on me again. Naupo ako sa couch.

"May blower ka?" Tanong niya.

"Sa drawer." Itinuro ko ang direksiyon ng vanity mirror. Dumiretso siya doon at kinalkal ang drawer. Nang tumabi siya sa akin ay may hawak na siyang blower na naisaksak na niya sa pinakamalapit na outlet.

"Marunong ka?"

"Oo naman, 'no? Anong akala mo sa akin, weak?" Pa-beki niyang saad. "Kahit ano pag-aaralan kong gawin. Basta para sa iyo." Dagdag banat niya.

"So, kaya mong magbelly dance just to entertain me?"

"Sus! Ang basic lang no'n. Walang mas mahirap?" Maangas niyang pahayag.

"Ako na nyan. Baka matagalan." Saad ko at kinukuha sa kanya ang hair blower pero hindi niya ibinigay.

"Willing to wait, Ma'am." Saad niya nang walang pag-aalinlangan na tila ba hindi 'yong pagpapatuyo ng buhok ang tinutukoy.


Hinayaan ko na lang siyang umupo nang hindi niya ibinigay sa akin iyon. Pumwesto siya sa likuran ko. Sinimulan niyang hagurin ang buhok ko habang nakatutok ang hair dryer.


"Even if it would take forever?" Pagsakay ko sa trip niya.


"Eh di maganda, may forever na tayo." Natutuwang komento niya. Ang optimistic naman this boy.


"Labas tayo bukas." Saad niya matapos ang ilang minutong katahimikan na tanging ang maingay na tunog lamang ng blower ang maririnig.


"Saan?"


"So, payag ka?"


"Saan nga?"  Balik tanong ko.


"San mo gusto?"


"Mall?" I haven't been there for almost 3 months na yata. Dahil bukod sa naging busy sa practice teaching, lakad ng requirements sa graduation, revalida tapos noong nawala si Joya.


"Sige. Gusto mong magsine?"


"Anong showing?" Interesado kong tanong. It's been a while. And dami ko na palang hindi nagagawa. Dati - rati, anytime nagagawa ko. Kasi kasama ko si Joya.


Nakakamiss siya. Nakakamiss yong bonding naming dalawa. So, I think I really need to go out.


Unbinding Ties of SlothWhere stories live. Discover now