Kabanata 12

497 194 36
                                    

"Nasa'n ka, Joya?" Tanong ko sa hangin. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Napapaisip ako ngunit wala talaga akong ideya sa kung saan siya nagpunta.


At kung aalis man nang matagal, magbibilin siya kahit papaano. Hindi siya umaalis nang basta-basta.


Nag-aalala na ako pero wala naman akong pwedeng tawagan para pagtanungan kahit ako pa ang bestfriend niya. At mas lalong wala akong contact sa parents niya.


We never talked about her family dahil alam niyang hindi ko gustong pag-usapan ang anumang concerns o issues tungkol sa pamilya.


I checked again her messenger but she's 14 hours offline. I texted her again.


"Text me upon reading this message. Ingat ka."


Hoping that she'll text me sooner or later.
Hindi ko alintana ang gutom. Tinatamad na akong kumain lalo pa at busy akong nag-iisip kung nasaan si Joya.


Nang mabored na ako, waiting for almost 3 hours. Nagbackread na lang ako ng mga past convo namin. She actually changed my name into "beshy".


*****

Goya: bes! Ang sakit!

Beshy: what happened?

Goya: nauntog ako kay Choco.

Beshy: who's choco?

Goya: yong pintuan mong kulay dark brown. Biglang nagsara, nauntog ako.

Beshy: ow? Kamusta si choco?

Goya: asar ka! Ako bestfriend mo dito.

Beshy: alam kong matibay ka. Ang concern ko, si choco. Pa'no pag nasira yan?

Goya: hahaha


*****

Goya: san ka na? Sabi ko sa may umbrella tree.

Beshy: nandito na ako sa silong ng umbrella tree. Kanina pa. Ikaw ang wala!

Goya: hala! Ang dami palang umbrella tree dito sa BCA noh?

Unbinding Ties of SlothWhere stories live. Discover now