Kabanata 2

633 205 66
                                    

Pero may mga tao talagang kahit pa ipagtulukan mo at i-reject, mangungulit at mangungulit pa din. 

Just like Joziah. Self-proclaimed best friend ko. Ang kulit ng lahi niya. Life's motto niya yata 'yong "never give up." Joziah. Yeah. 'Yan pala ang tamang spelling ng name niya. 


She insisted being called as JoyaHalos kasa-kasama ko siya araw-araw. She volunteered to be my company with or without my permission. Dikit kasi ng dikit. Ayaw mahiwalay. Parang glue.


Ganoon daw talaga ang magbestfriend. Ayon sa dictionary niya. So okay, Goya it is. Tutal, mahilig siya sa chocolates.


She's kind, gentle, caring, generous and all the positive traits a best friend possesses. That is according to her. Kaya daw mapalad ako sa kanya. Pero hindi ako kumbinsido - noong una.


Lahat ng magagandang katangian ng isang kaibigan, nasa kanya na. So, saan pa daw ako?
I don't know what she saw in me that she befriended me. Siguro, naaawa siya. Or out of curiousity. Hindi ko alam. I never bothered asking her.


Ayoko siyang basahin. I might get disappointed upon discovering her real intentions in getting close to me. Aside from that, I don't like involving myself to her, to anyone in general.


Ang FC niya, sa totoo lang. Even if I constantly pushed her away, rejected her offer of friendship thrice, and even acted mean to her. She never gave up. 


Ang tapang niya. Ang haba ng pasensiya. Nakakahanga. Until I learned she's fun to be with. I got to know her personality. And she's awesome.


Hanggang sa no choice na ako kung hindi tanggapin na lang siya. Because she literally invaded my privacy, my space, my time and my life.


Ganoon siya ka-persistent. Tapos sobrang bait pa. She melted the walls I built around me through her kindness and compassion. She's one in a million. Buti na lang talaga nagpumilit siya or else mananatili akong nag-iisa, waiting to die of boredom.


Aarte pa ba ako? When she became everything I needed for- naging nanay ko, ate kahit na ahead ako ng 2 years sa kanya, housemate kahit na mukhang may kaya sa buhay, she chose to live sa lumang boarding house ko. Naging cook din siya, tagalinis ng bahay, tagalaba- parang katulong.


Hindi ko siya inalila, okay? Hindi ako ganoon kasama. Hindi ko sinasabing mabuti din ako. Sadyang tamad lang talaga akong kumilos. Hindi rin siya nagpaalila. Ganoon talaga siya. Her second motto in life: happy to serve! Tanggap na siya agad sa Jollibee kapag nag-apply, if ever.


Unbinding Ties of Slothजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें