Kabanata 42

408 169 31
                                    

"Ready ka na?" Tanong ni Paco nang makababa ako sa hagdan. He's wearing a white dress shirt and black pants paired with his black hi-tops. While I am wearing a simple shirt and dark blue jeans paired with a checkered slip-on.


Ang kisig niyang pagmasdan. And he looks mature than his real age. Bakit parang napapadalas ang pagcocompliment ko sa kanya? Pansin ko lang.


I am not attracted to him, am I? Paano ba malalaman kung attracted ka sa isang guy? At dahil wala na si Joya para mapagtanungan ko. I've been thinking about it last night. So, I asked the girls sa GC ng SPA.


Shaza: Attracted ka kapag gusto mo lahat ng bagay sa kanya. His voice, his hair, his physical features. Even his worst part, pwede mong magustuhan. Just like when I fell for my Saul.

Dionne: You're getting curious and interested each passing day that his attitude and behaviors matter.

Jem: I don't know. I only got attracted if the topic is all about money, dear.

Ivana: when you imagine things like kissing him, making out with him, and more...

Shaza: that's not attraction. That's lust. Hahaha

Ivana: physical attraction. So, attracted ka pa din.


Cleofe: I don't know either. Never pa akong na-attract sa isang guy. Sila ang na-a-attract sa akin. I'll ask them and send you their answers.

Yon ang mga sagot na nakuha ko mula sa GC. So, the answer is... I don't know. Maybe not? I'm not sure. Nang nakalapit ako sa kanya, mas na-define 'yong height difference namin. Halos di pa ako umabot sa balikat niya.


His large frame contradicts my petite physique. His charming personality contradicts my dull attributes. Larawan siya ng masigla at makulay na buhay, while mine was just plain black and white. And why am I comparing us, anyway?


It's not as if we're an item. We're not even a thing. HINDI BAGAY.


"Okay lang sa'yo na mag-commute?" Tanong niya nang palabas na kami ng bahay. He actually woke me up around 6 AM. Kasi alam na din niya kung gaano ako kabagal kumilos.


"Kung hindi okay, anong gagawin mo?" Balik-tanong ko. What's wrong with the commute? Ganoon naman talaga kapag walang sasakyan.


Kung may kotse siya, bakit hindi? It's more convenient. Kaysa naman sa makipagsiksikan at maghintay nang matagal sa mga terminal. Mukha naman siyang rich kid. Kaya nagtataka ako kung anong ginagawa niya sa bulok naming boarding house.


"Uh. I can call someone to fetch us."


"Sino?" Curious kong tanong.

"I can call Tatay."


"Tatay? Akala ko hindi kayo in good terms?" Tanong ko nang maalala ang nabanggit niya one time na hindi sila okay ng ama niya pati ng kuya niya.


Unbinding Ties of SlothWhere stories live. Discover now