Kabanata 20

491 187 26
                                    

Pakiramdam ko ay nagha-hyperventilate na ako. Kinilabutan ako at muling pumatak ang mga luha sa pisngi ko. Ilang revelations pa ang matutuklasan ko ngayong araw?

That thing was the mini pork keychain I gave her on her 21st birthday. Madumi na iyon pero alam kong sa kanya iyon. I have mine on my bag as well. Ganoong-ganoon din!


Hindi ko maintindihan! Ang sabi sa report she died of pulmonary fibrosis. It's a chronic disease. Pero ang alam ko wala siyang sakit. I never see her have problems with breathing before or magaling lang talaga siyang magtago?


Hindi ko na alam kung ano ang iisipin at paniniwalaan ko. Ang namatay siya sa sakit o ang namatay siya dahil sa aksidente?


Hindi ko na namalayan nang magpaalam si Dionne sa matanda. Ganoon din nang makarating at makapasok kami sa bahay ni Shaza at Kuya Saul.

"Is the information you got from Uncle Jess, reliable enough?"


"I don't know anymore. May pakiramdam akong something went wrong."


"Wait, did the report said she died because of a terminal disease?

"Call your Uncle Jess. Verify the truth about her disease. Kung kinakailangang isa-isahin niya lahat ng ospital kung may patient sila under that case, gawin niya."


"Much better if he talks personally to the doctor who signed the diagnosis. And investigate all patients who are declared as DOA at nearby hospitals that night."

"Yeah. That's possible. And much better."

They are having some commotions pero wala akong pakialam sa paligid ko. Hindi napro-process ng utak ko ang mga sinasabi o pinag-uusapan nila. I felt numb.

Paano nga kung siya 'yong namatay sa aksidente? What if she died that night instead of that disease? Pinanlamigan ako ng buong katawan. I felt a hollow pit on my stomach.


What if she really died that night, running an errand for me because I am comfortably sleeping?!
Wala nang mas sasakit pa sa katotohanang ako ang nagdala sa kanya sa kamatayan niya. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas. Ang daming tumatakbong senaryo sa isipan ko.


"Confirmed. There's no Joziah Yasmin Sevilla as a patient under that disease. And..." Narinig ko ang sinabi ni Dionne kahit pa nagkunwari akong hindi nakikinig at tulala lang. She even stopped and look at me. Pero hindi ako nag-angat ng mukha.


"And..."

Base on her tone, alam ko na ang kasunod non. Kaya hindi ko na hinintay pa. Yeah, I am a coward. Takot akong kumpirmahin at harapin ang bunga ng kasalanan ko!

Na habang sarap na sarap ako sa pagtulog, nandoon siya sa madilim na kalsadang iyon, duguan at nag-aagaw buhay! She died because of me! I walked out of that house that night. Hindi alam ang gagawin at iisipin. Hindi alam kung saan pupunta.


5 days and 4 nights na akong nagluluksa.


Or nagpapakamatay, quoting Ivana's term. Naka all black, walang tulog, walang kain. Nagkukulong ako sa loob ng silid maghapon. Wala akong balak kausapin ang mga taong dumadating at bumibisita to check on me.


Sana ako na lang ang namatay. Dapat ako 'yong pumunta nang gabing iyon. Kasalanan ko. So, I don't deserve to sleep. I don't deserve to live. I should die. Right?


Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon