Kabanata 30

453 182 43
                                    

"Chicks mo, tol?"


"Loyal pala ha. Pa'no na si Tala?"


"Hindi." Tanggi niya.

Dinig ko nang ayaw pa ring gumalaw ng paa ko sa kinaroroonan ko.  So, I stayed in my position just near the door frame, getting curious about his unexpected visitor. Yeah. Instead of heading straight to the kitchen, ayaw makisama ng sistema ko.


Hays. What's wrong with my feet?


"Sinong Tala?" Tanong nong babae na nakakapit pa rin sa kanya ngunit hindi man lang nag-abalang sinagot ni Paco.


"Is this your new place? Bakit mukhang horror house?" Muling tanong ng babaeng higad. Kasi kung makakapit sa braso ni Paco parang hindi na matanggal at ayaw nang bumitaw.

Anong sabi ng horror house niya? Mukhang rich kid. Naliligo yata 'to ng isang baldeng glutathione. Ang kinis at ang puti.

"Anong ginagawa mo dito?" Muling tanong ni Paco.

"Wala ka sa bahay niyo. Ang sabi ni Aling Betty, hindi ka na daw doon nakatira? I learned from Mike, you're here. What happened? Bakit hindi ka na umuuwi doon?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng babae. Napapadalas ang pag-e-eavesdrop ko when it comes to Paco? Pansin ko lang ah.

"Hindi mo pa ba napapatawad si Tito? That was two years ago-"

"Stop it. And leave." Putol ni Paco sa sinasabi ni Miss Flawless.

Di ko naman sinasadya pero di ko mapigilan. Hindi dahil interesado akong alamin ang ilang bagay tungkol kay Paco pero wala lang talaga akong magawa. Nakakatamad din kasing magstay lang sa kwarto.

"Tol." Tawag ng isang kaibigan ni Paco na napansin ako sa may pintuan. Itinuro nito ang direksiyon ko kaya sinundan iyon ni Paco. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Kaya umatras ako at nagtungo sa kusina.


"Who's that?"


"Kumander ni Paco."


"Commander? Sa liit niyang iyon?"


Ha! Lait pa! Pareho sila ni Paco. Mapanlait. Matatangkad nga naman.
Napailing ako sa takbo ng isip ko.


"Sibat na kami, bro."


"Next time na lang ulit." Dinig ko pa din ang usapan nila kahit na nasa kusina na ako. I look for some leftover foods. Mayroon naman sa fridge. Nakalagay sa styrofoam. Sisig at chop suey. Kailangan lang ire-heat.


Pero dahil tinatamad ako, siyempre diretso kain na. I'm sure Paco won't mind. Malakas ako sa kanya,  feeling ko lang. Baka nga kahit ano pang hilingin ko, ibibigay niya kung kaya niya. I think so.

And speaking of the devil, nakapasok na siya ngayon sa bahay kasunod yong bisita niyang nakalimutan ko na naman ang pangalan. 


Babaeng parang labanos sa sobrang kaputian. Grabe, ang puti niya talaga. Hindi ako nangungutya. It is just a metaphoric comparison. Ang haba din ng legs niya. Naalala ko tuloy 'yong ostrich. Ano kayang feeling ng long-legged?

Unbinding Ties of SlothWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu