Kabanata 51

395 168 23
                                    

(Paco's POV)

"De la Riva!"

Dama ko ang mahinang pagsiko ni Nathaniel sa tagiliran ko. "Tawag ka ni Ma'am Cabanas." Bulong niya sa akin.


Doon ko lang narealize na kanina pa siya nakatingin sa akin. Hawak-hawak pa niya ang salamin sa mata. Waiting for my response.


Bagay na bagay rito ang pangalan. Kabanas! Panira ng mood. Kasi naman. Nakita ko 'yong long time crush ko sa labas ng classroom!


Long time means, crush ko siya since Grade 9. Grade 11 na ako. 3 years. Imagine that? Kahit nga ako hindi makapaniwala.


Tsk! Nawala na. Umalis na. Minsan lang iyon mapagawi sa Senior High Building! Kasi nga college na. Kaya napilitan akong tumingin sa subject teacher naming walang ibang ginawa kung hindi magpa"copy this, copy that".


"Ma'am?" Tanong ko. Kinabahan ako kasi kung makatingin siya para na akong babalatan ng buhay.


"Yan! Kaya ang baba ng grado mo kung saan-saan ka nakatingin! Lumilipad 'yang isip mo. Ibang-iba sa kuya mong honor student-"


Hay. Si kuya na naman. Siya na ang magaling, siya na ang nakaka-proud. Siya na lahat. Wala namang kaso sa akin iyon. Tanggap kong iba siya at iba ako. Bakit hindi iyon maisip ng lahat ng tao sa paligid ko na lagi kaming pinagkukumpara?


Napailing na ako kasi alam kung magsesermon siya nang mahigit sampung minuto para pangaralan ang pinakapaborito niyang estudyante. At ako iyon.


Proud to be.


Unbinding Ties of SlothWhere stories live. Discover now