Kabanata 45

408 171 33
                                    

"Hindi 'yon date." Tanggi ko. Siguradong ichichika niya ako sa GC.


"Eh, ano?"


"Lakad lang ate. Pasyal sa mall. Sine."


"Ah. Hindi pala date! Paano na lang 'pag nagdate kayo?" Sarkastikong saad ni Shaza na ikinalingon ng ilang kabataang nasa malapit sa amin. Feeling ko sadya niyang nilakasan iyon para marinig talaga nila.


"Buti napapayag mo?" Nagdududang tanong nito kay Paco.


"Tiyaga lang ate. Saka madaming prayers " Nangingiting sagot ni Paco.


"Sabagay, mas masarap mahalin ang taong bunga ng iyong panalangin. Kita niyo naman si Saul... di ko pinapansin noon, hayun, nahulog pa din.." Saad niya na tila kinikilig.


"Anong sabi mo Misis?" Kunot- noong tanong ni Kuya Saul na kalalapit lang at mukhang narinig ang kuwento ng asawa. Pinigil ko ang mapangiti. 


Lagot ka ngayon, anang isang bahagi ng isip ko.


"Ah. Wala. Ang sabi ko, pinagtyagaan din kitang ipagpray kaya ako nakatuluyan mo sa kabila ng magagandang ex mo...hehe" Nangingiting paliwanag ni Shaza sa asawa.


Parang hindi iyon ang ang sinabi niya kanina. Napailing na lang ako.


"Akala ko namali ako ng dinig." Saad naman ni Kuya Saul na naka-all smile. Inilagay pa nito ang kamay sa likod ni Shaza at bumulong. They look like a happy couple so in love with each other.


Naramdaman ko ang pagpahid ng panyo sa mga gilid ng mukha ko pati sa noo. That's why my eyes went back to Paco's face.


"Mainit dito sa labas." Ginamit pa niyang pamaypay ang kamay para paypayan ako.


"Okay lang. Huwag na." Inawat ko ang kamay niya. Hinuli ko iyon at ibinaba. Nang pakawalan ko iyon ay mas lalo akong natameme sa sumunod niyang ginawa. Sinikop niya ang mahaba kong buhok paitaas. Tinanggal din niya ang ilang nadikit na hibla ng buhok sa leeg dahil sa pawis.


Sa laki niyang iyon at sa kalalaki niyang tao, ginawa niya iyon? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman at iisipin.


"Ay! Ginalingan na ni Paco. Uwi na guys. May nanalo na!" Announced ng isang lalaking papalapit sa amin. Iyong vocalist nila.

Unbinding Ties of SlothOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz