Kabanata 25

464 184 31
                                    

"Boyfriend? Ayoko nga." May HD yata talaga siya sa akin. Dapat kilabutan na ako. Pero bakit wala man lang akong maramdamang takot o kakaiba? 


Dati naman ay gumagana agad ang instinct ko. Paano na lang kapag bigla siyang may ginawang masama sa akin?


"Boy friend. I mean, lalaking kaibigan. "


"Ah." Either mali ako ng dinig o mali ako ng inassume. "Okay."


"Okay as in payag ka na?" Pagkukumpirma niya.


"No. Ayoko ng lalaking kaibigan." Tila nalungkot naman siya sa sinabi ko pero muli ding ngumiti. "Fine. Board mate, then."


Natapos ang dinner namin. Nabusog ako dahil napadami ako ng kain. Magvovolunteer sana akong maghugas pero inunahan na naman niya ako.


At habang hinihintay siyang matapos, I took the initiative to make our coffee. Ganoon ang nakasanayan namin ni Joya.


See? She actually became the half part of my life. I've been dependent to her for how many years. Tapos, bigla siyang mawawala?


Life really sucks!


"I'll make us a coffee." Sabi ko sa kanya na ikinalingon niya.


"Hindi na tayo makakatulog niyan."


"Sanay na ako." Rason ko. "Kung ayaw mo ako na lang."


"Nah. Make one for me too. Sasamahan kita, from now on."


From now on...
When Joya came into my life and decided to stay no matter how I pushed her away, she always remind me that from then on, we'll do everything together. 


Kaya simula noong dumating siya, I never felt alone. Sa lahat ng gagawin ko nandiyan siya para tumulong at umagapay. But now that she's gone, I have to do things alone, again, from now on.


"How do you want your coffee?" Tanong ko nang isalin na ang brewed coffee sa tasa. Patapos na din siya sa mga hugasin.


"Gaya ng sayo."


"How do you know kung magugustuhan mo 'yong type of coffee ko?"


"I like everything about you." Medyo mahina ang pagkakasabi niya no'n kaya hindi ko gaaanong naintindihan dahil sumabay iyon sa malakas na pagbuhos ng tubig mula sa faucet at pagtama niyon sa kitchen sink.

Unbinding Ties of SlothUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum