Kabanata 37

396 178 33
                                    

"To put it simply, you're literally manhid. Tapos, narcoleptic pa. Kawawang nilalang." Saad ni Cleofe.


"What's narcoleptic?" Tanong ni Dionne.


"Yong ano, biglang nangingisay tapos labas dila. Parang ganito." Itinagilid nito ang ulo, inilabas ang dila at nagkunwaring nangingisay, showing the white of her eyeballs.


Natigilan kaming lahat sa paliwanag niya. Thumbs up naman siya sa illustration na ni-role play pa niya. 'Yon lang, hindi credited kasi mali.


"Bobing! Epileptic 'yan." Pagtatama ni Jem dito.


"Ahy. 'Yon ba yon? Haha. Sounds alike naman. Keri na." Tatawa-tawang palusot nito.


"Sumama ka pa naman sa ospital. Tapos wrong info ka." Sita ni Shaza dito.


"It's an involuntary sleep anytime of the day." Saad ni Jem. As expected sa tinaguriang brain of the group.


Pumunta silang lahat sa boarding nang balitaan sila ni Ivana sa GC na tapos na ang check up ko at nakauwi na kami pagkatapos naming dumaan sa isang fast food for an early dinner around 4 PM.


Kanina ko pa napupunang tahimik lang si Paco at tila kay lalim ng iniisip habang nakatingin lang sa akin. I can't read what's on his mind.


Manaka-naka siyang nagsasalita kapag may tinatanong si Shaza tungkol sa sitwasyon ko. She's also here. Buti at pinayagan ni Kuya Saul.


Mukha na siyang buteteng bundat. Pero blooming pa din. She's carrying a baby girl. Ilang months na lang ay manganganak na siya.


Pak!


"Hala! Ba't mo sinampal?" Tanong ng lahat kay Dionne na naroon din dahil natakasan daw ang mga bodyguards. Halos matabingi 'yong mukha ko nang dumapo ang palad niya sa pisngi ko.


"Wow. Di ka umaray. Ang astig!" Namamanghang komento niya.


Na-speechless ako sa ginawa niya. Anong problema niya? I slapped her face too. Hindi naman kalakasan pero halos mapamura siya sa gulat.


"Ahy! Umaray ka, gurl. Ang astig!." Tatawa-tawang pang-aasar ni Ivana sa kanya na ginaya pa ang linya niya. Nagtawanan tuloy silang lahat na naroon maliban sa akin at kay Paco. Nagtagal pa sila doon ng isang oras bago tuluyang nagpaalam.


"Hoy, bunso. Bantayan mo 'to ha. Lagi mong i-check-" bilin ni Dionne kay Paco but I cut her off.


"I can take care of myself."


"Ako nang bahala sa kanya." Paco said, eyeing me like I'm his patient to take care 24/7.


"Call us if something happened." Dagdag bilin ni Shaza.


"Something happened when I came here this morning, actually." Parinig ni Ivana.

Unbinding Ties of SlothWhere stories live. Discover now