Kabanata 3

575 203 56
                                    

"Hi, ate!" Nakangiting bati ng isang maputing babae na lumapit sa left side ko. Nasa registration area ako. Nakaupo at nagsusulat sa long table na naka-allot para sa mga students na kagaya kong nag-eenroll. Napasulyap ako sa kanya. Maiksi ang buhok niya na hindi umabot sa balikat .


Automatic na kumunot ang noo ko. Kulang na lang bangs, Dora na siya.


Itinuro niya ang katabing silya sa kanan na sinundan ko naman ng tingin.
"Uhm, may nakaupo?," tanong niya nang may pag-aalinlangan.


"Mukhang meron e, kaya walang tao," sagot ko sa inis na tono. Can't she see?
I dislike people who are asking what's obvious already!


She looks nice and friendly. I stared at her when she just shrugged her shoulders off and smiled brightly. Ang tangos ng ilong niya. Siguro noong nagpaulan si Lord ng katangusan ng ilong, nasalo niya lahat. Grecian nose.


As for me, tulog ako ng mga oras na iyon. Nakadapa pa. Hindi naman ako pango. Pero kung nose bridge ang pag-uusapan, underdeveloped yong akin. Pero, hindi naman ako naghahangad ng mga bagay na wala ako. Kontento na ako sa kung anong meron ako. Ke matangos... ke pango... basta mukhang tao... what's the difference? Saka, idc.


"Patabi ha. You seemed funny. Let's be friends!" malawak ang ngiti na inilahad ang isang kamay sa harapan ko.


Funny? Sa'n banda? Mukha akong clown, ganoon? Hindi ata niya alam ang definition ng salitang funny. I'm sure, nagsasalubong na ang mga kilay ko sa sandaling ito. Di ba sila friends ni Mareng Merriam? 


"Can I have your name?" Usisa niya  ulit nang mapagtantong wala akong balak makipag-shake hands sa kanya. Inilapit pa niya ang upuan niya sa upuan ko.


"Don't you have yours?" taas-kilay kong balik tanong.


Napasulyap ako sa babaeng mas maganda pala sa malapitan. Makinis ang mukhamaganda ang mga mata, ang ayos ng kilay kahit na di naahit. Medyo full lips. Ganoon ata yong pouty lips. At may sungki siya 'pag ngumiti. Nonetheless, maganda. Angelic-face. Maamo. Mukhang mabait. Heart-shape yong mukha. Siya na ang pinagpala sa face-factor. Lakas niya kay Lord.


Don't get me wrong. Di ako tibo.
Oo, never pa akong naattract sa opposite sex pero nakakaappreciate lang talaga ako ng magagandang babae. And this girl in front of me is one of them. Walang ka-make up-make up. Exact description of a natural beauty.


Maganda din naman ako. At kung mas mag-aayos, lulutang ang ganda ko. Lulutang lang, tapos magtatago din. May expiration date, ganon. Sabi naman sa inyo, eh. Sa mundong ito, walang permanente. Anything, pwedeng mawala, pwedeng magbago, pwedeng masira, pwedeng mapalitan. In short, walang assurance.


Unbinding Ties of SlothМесто, где живут истории. Откройте их для себя