Kabanata 17

471 189 32
                                    

Dumiretso kami sa parking area kung sa'n sila nagpark. Si Cleofe at Jem ay may dalang sasakyan. They have drivers. Samantalang si Dionne ay nagdala din ng sariling sasakyan. Sumabay sa kanya si Ivana.

I chose to go with Shaza sa sasakyan ni Cleofe. Hindi dahil paborito ko siya kundi dahil siya ang may pinakamalapit na ugali kay Joya. I really missed my best friend. A day without her is sad and boring.

The graduation rites started at 3 PM and ended around 8 PM. Ipinadaan ko saglit sa isang convenient store para bumili sana ng maiinom at makakain. But Shaza told me na may nakahanda ng pagkain at inumin sa boarding house. Hindi ko na kailangang mag-abala. The perks of being rich. Kaya dumiretso na kami sa bahay.


True to her words, nakahain na sa hapag ang iba't-ibang putahe. May mga finger foods din at iba-ibang cocktail drinks. Sosyalan! They exerted too much effort for me. Kailan lang naman nila ako nakilala. Are they really this nice to a random girl like me?


Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o maaawa sa sarili. They are trying hard to make this moment a cheerful one. But I know it won't be the case on my part. I have Joya's situation to think about.

"Whoooooo. Party!" Sigaw nila at pinaputok ang party popper. Kasunod niyon ang modernong awitin na pumailanlang sa ere mula sa speaker na nasa tabi lang ng flatscreen TV sa sala.

🎶Savage love. Did somebody, did somebody break your heart... 🎶

Napangiti ako. Pagbibigyan ko sila tonight. That way, I might be able to show my gratitude and appreciation for their efforts.

My board mate is out as well with her family for their celebration and probably returning home to her province the next day. Kaya kami-kami lang ang nandito.

Nagsimula kaming kumain habang nagkukuwentuhan. Napangiti ako nang makitang ipinagbalat ako ni Shaza ng hipon kahit allergy ito sa seafood. Ganoong-ganoon si Joya. Hindi kasi 'yon mahilig sa seafood kaya hindi makakain. While it was my favorite.

Nang matapos ang dinner, sakto namang dumating si Sir Saul Matthew Ramirez, the BCA admin, para sunduin si Shaza. He even congratulated me and offered me to call him Kuya Saul since Sir is too formal according to him. Kaya wala akong nagawa. It feels good pala na may natatawag kang kuya.

"Sana all sinusundo." Parinig ni Dionne.

"Magready ka na. Parating na din sundo mo.Tinext ko na." Ani Ivana.

"Sino?" Kuryosong tanong nila.

"St. Peter. Gusto mo don ka na din daw matulog?" Sagot niya na ang tinutukoy ay ang Life Insurance and Funeral Service Company.

"Bwiset ka. Kakalbuhin kita." Halos sabunutan siya ni Dionne sa kinauupuan niya. Mabuti na lang ay nakaiwas at nakatakbo pa.

Nang magpaalam si Shaza since she can't stay for the night dahil buntis, we decided na magpababa ng kinain sa sofa sa sala while playing ML.

"Wala ang dakilang tank." Ani Jem na ang tinutukoy ay si Shaza. "I volunteer Ivana to be the tank."

"I second the motion!" We said in chorus. She gives us a death glare. Pero wala na siyang nagawa nang makitang nasa hulihan siya ng picking at banning.


So, Ivana is the tank. Jem is the damage dealer. Cleofe is the MM dahil forte daw niya. Dionne is the fighter/assasin dahil wala daw siyang laban na inuurungan. At ako naman ang support. I used Estes, the healer.

Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon