Kabanata 52

399 166 31
                                    

At ang lahat ng sinabi ko sa mga kaibigan ko ay kinain ko. Kasi hindi ako nagkaroon ng chance na malapitan siya. Kung hindi siya tulog ay nag-aaral naman.


At kung makakasalubong ko naman sa mga hallways, nagmamadali o kaya wala sa sarili at mukhang malalim ang iniisip.


Sinadya ko pa ngang banggain minsan. Ni hindi siya lumingon. Parang wala lang. Kahit isang tingin lang sana, masaya na ako. Kaso wala. May problema sa kanya, sigurado.


Nagpupuslit pa nga ako ng chocolates sa locker niya, sa upuan niya sa classroom nila, pero wala lang. Iyon kasi ang payo ng mga barkada kong may mga jowa. Kaso ipinapamigay niya lahat ng iyon sa bestfriend niya.


Sinubukan ko ang bulaklak. Kaso 'yong long-stemmed rose naman, nginingitian lang niya pero iniiwan din lang sa mesa na pinaglalagyan ko. Ano 'yon? May babae palang ayaw sa tsokolate at red roses. Hindi ko na tuloy alam kung papaano.


Tss! Minsan nafru-frustrate na ako. Halos nasubukan ko na lahat, ah. Ayaw niya yata ng secret admirer. Hay. Ang hirap pala manligaw. Lalo na kung ang sinusuyo mo-


"Tol, manhid siya." Saad ni Leo. Saktong-sakto sa laman ng isip ko.


"Magtatapos na ang sem, wala ka pa ding napala."


"Kapag may tiyaga, may nilaga." Pahayag ko sa mga negatibong komento nila.


Noon, aprub na aprub sila kay Tala. Pero ngayon, they have been discouraging me.


Iyon ang pinagkaiba ng mga barkada sa school vs. mga kapatid sa simbahan. Their feedbacks were all negatives. While my bros at the church encouraged me. They knew about Tala. I kept a photo of her on my phone. It's a stolen shot while she's asleep.

Unbinding Ties of SlothWhere stories live. Discover now