Kabanata 9

507 203 23
                                    

I am busy encoding the final draft of my thesis' rationale when I heard the honk of a car which stopped by in front of the boarding house.


Napatingin ako sa ibabang bahagi ng screen ni Lala to check for the time. It's already 11:00 in the evening.


Masyado pang maaga para sa uwi ng isang matinong dalaga. Napaismid ako.

It was Joya who just got back from her date with Judas. Napapadalas ang pag-uwi niya nang late. I mentally noted that she's old enough but thinking about the guy she's with makes me grimaced in horror.

Napilitan akong tumayo at lumabas para pagbuksan siya ng gate. I even saw them kissed briefly nang nasa tapat na sila ng bakal na gate.

Wow. San doon 'yong hindi nagmamadali?


"See you tomorrow night." Saad nong hudas bago  pumasok sa kotse. Ni hindi man lang in-acknowledge ang presence ko. Not that I mind. Bumusina ito bago tuluyang umalis.


Nabuksan ko na ang gate nang bumaling si Joya sa akin. Mas pinili kong manahimik. Lately, madalas kaming hindi nagkakaunawaan when it comes to that man.


Nang maikandado ko ang gate, tumalikod na ako at pumasok ng bahay habang siya'y nakasunod lang.


"Ano? Wala kang sasabihin?" Simula niya.


"Gusto mo akong magsalita?"


"Yeah."


"Makikinig ka ba?" Tanong ko. Alam kong hindi dahil nakailang beses na ako sa pagpapaalala.


"Do you trust me?" Tanong niya. Nakaupo na siya sa single sitter sofa na katapat ng inuupuan ko.


"Ikaw, may tiwala ka sa akin?" Balik-tanong ko. Nagsukatan kami ng tingin.
"I told you-"


"Babalik na naman tayo diyan? Can you at least give him the benefit of the doubt?"


"Kayo na? Sinagot mo na?"
They had been constantly going out for more than a week. Kaya hindi kami gaanong nagpapansinan kasi hindi ko talaga gusto ang lalaking iyon para sa kanya.


Busy ako para sa thesis defense ko kaya hindi ko na din gaanong pinagtuunan ng pansin. Halos di na nga kami nagsasabay kumain kasi madalas siyang wala. Di na din kami sabay pumapasok at umuuwi kasi kasama niya si Judas.


Unbinding Ties of SlothUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum