CHAPTER 1

1.9K 40 15
                                    

CHAPTER 1

Hurts So Good

Savi.

Kisseskawaii_ : Oh my gosh. Legit ba ito?

Victoriaaaa: Is he the non-showbiz boyfriend of Savi?

CristinLuigi: They said they were only friends.

DawnLopez: May girlfriend na din iyong guy.

Xandrathegreat: I knew it. Savi is a b'tch and a relationship wrecker.

I rolled my eyes after reading the comments about the picture of me kissing Deus at his birthday party. That kiss is my birthday gift for him. I know that his girlfriend was also there that time. Kinuha ko lang naman ang pagkakataon na iyon dahil alam kong sa gabing iyon may balak na si Deus na magpropose sa girlfriend niya.

Bumuntong-hininga ako bago nilagay pabalik sa gilid ng kama ang cellphone ko.

Nakarinig ako ng katok sa labas ng kuwarto ko kaya naman pinilit kong bumangon at pinagbuksan ng pinto ang taong iyon.

"Savi..."

Huminga nang malalim si Lux habang nakatingin sa akin at may dalang tray ng pagkain. Tapos na siyang magalit sa akin noong isang gabi dahil marami talagang tao ang nakakuha ng atensiyon ng ginawa kong iyon lalo na nung itulak ako ni Deus.

Matamlay akong bumalik sa higaan ko at sinundan niya naman ako.

"Savi, kumain ka na."

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong ko sa kaniya,

"Nakakahiya iyong nangyari sa'yo."

"Alam ko."

"Alam mo pero ginawa mo pa rin."

"At gagawin ko pa rin kung iyon ang paraan para hindi matuloy ang balak ni Deus."

Muling bumuntong-hininga si Lux dahil sa sinabi ko. Hindi niya naman ako maiintindihan dahil hindi niya nasubukan na maghabol sa taong gusto niya palibhasa babae rin ang humahabol sa kaniya.

"That's not good. Tama sila na naging relationship wrecker ka, That's so cheap, Savi."

Umirap ako at tinago ang mukha ko sa comforter.

"Again, alam ko. Alam ko, Lux. Alam ko lahat ng consequence ng ginawa ko kaya tigilan mo na iyan. Isa pa, hindi na natin maibabalik pa iyong nangyari na."

"You always do crazy things for Deus. Hindi ka pa ba napapagod?"

"Ilang taon ko na itong ginagawa kaya paano ako mapapagod, Lux?"

"Damn it, you don't need that man in your life, Savi."

"I want him for me, Lux. Ilang beses man akong itulak palayo ni Deus, hindi pa rin mabubura niyon iyong nararamdaman ko para sa kaniya."

That's the truth. Sinubukan ko rin naman na ibaling iyong atensiyon ko sa ibang lalake pero sa kaniya pa rin ang bagsak ko.

"Tigilan mo ako sa salitang ganiyan dahil magsasawa ka rin sa kaniya. Oh well, bahala ka na. Alam kong kapag nakuha mo na si Deus, titigilan mo rin siya kasi ang nakikita mo lang naman sa kaniya ay iyong pagiging challenging niya sa'yo."

Tinanggal ko ang comforter na nakaharang sa mukha ko at ngumisi sa kaniya.

"Bitter ka lang kasi tinigilan ka na niya," sagot ko na naging dahilan para matigilan siya.

"Savi, wala akong pake." Aniya at tumayo at lumabas ng kuwarto ko kasabay ng padabog nitong pagsara ng pinto. Napailing na lamang ako dahil hindi talaga umaamin si Lux kung anong totoong nararamdaman niya.

Bumangon na lamang rin ako at kinain ang dinalang pagkain ni Lux, Sa totoo lang pwede ko namang tigilan si Deus eh. Kaya ko naman pigilan ang sarili ko na huwag sirain ang relasiyon nila ni Leana kaso sa tuwing iniisip ko na hindi karapat-dapat si Deus kay Leana, umuurong ako sa salitang 'letting go'. Bakit mo ile-let go ang taong mahal mo kung sa maling tao siya mapupunta? Katangahan.

Pahiga na sana ako ulit sa kama ko ng tumunod ang cellphone ko. Huminga ako nang malalim bago tiningnan kung sino ang tumatawag.

Deus is calling....

Namilog ang bibig ko nang mabasa ko ang pangalan niya. Hindi madalas tumawag si Deus sa akin kaya alam ko na kung anong dahilan ng pagtawag niya sa akin.

Sumimangot ako bago pinatay ng tuluyan iyong cellphone ko. There's no way na makikinig ako sa mga salita niya. Galit si Desu at hindi ko pa kayang salubungin ang mga tanong at pagalit niya sa akin dahil kahit ako ay wala pa rin sa hulog.

Humiga na lamang ako sa kama at pinilit ang sarili na matulog ulit. Buong maghapon akong humiga sa kama ko at bumangon na lamang nang nakita kong gabi na.

Nag-ayos ako ng sarili ko bago tuluyan na lumabas ako ng kuwarto at dumeretso sa kusina. Dinner time na namin at alam kong nandito si Dad ngayon. Tahimik silang kumakain kasama ang kakambal ko kaya naman umupo na rin ako sa sarili kong upuan.

"Savi," tawag sa akin ni Dad.

Tumingin naman ako sa kaniya at naiilang na ngumiti. "Dad?"

"So tell us why did you do that? Trending ngayon iyong photos niyong dalawa ni Deus sa internet. You're a model, of course it's not shocking that you'll be the center of the gossips because of that scandal."

"Scandal?"

"According to dictionary, it's a circumstance or action that offends propriety or established moral conceptions or disgraces those associated with it." Sabat ni Lux.

"Shut up, geek."

"Savi, Vergaras are disappointed with your actions lalo na si Deus." Malumanay na sabi ni Dad sa akin.

"I know we've tolerated your obsession with Deus for a long time pero hindi ko akalain na aabot sa ganito." Sabi naman ni Mommy na nakatingin sa akin ng seryoso.

"You know what anak? May iba pang paraan. You could kiss him in a private place instead doing it on publ---"

"Mom!" Suway ni Lux kay Mommy. Doon na kumawala ang tawa sa bibig ko pati si Mommy ay napangiti na rin.

Napailing naman si Dad na parang sumusuko na sa amin ni Mommy. "Hindi na talaga ako nagtataka sa pamilyang ito. Manang-mana kayo sa kademonyohan namin."

"Mom, Dad, and Lux." Tawag ko sa kanila at ngumiti. "I'm sorry. From the bottom of my heart, I'm sorry. Nakakahiya iyong ginawa ko pero iyon na lang ang nakikitang paraan ko. Sobrang tagal ko ng ipinaglalaban si Deus kaya hindi ko talaga siya kayang isuko kay Leana ng ganon-ganon lang."

"Why? Dahil mahirap lang si Leana?"

I really hate her. That girl is an angel with an invisible black halo.

"You know what? Insecured ako kay Leana. She got that innocent face, bright smile and the goody-goody shoes aura pero narealize ko na hindi lang pala iyon ang meron siya."

Tiningnan nila ako na parang naguguluhan sa sinabi ko kaya ngumisi ako sa kanila.

"Lux, tama sila Mom and Dad. Kapag may pagka-demonyo ka, mararamdaman mo rin iyong kauri mo."

"What do you mean?" Tanong sa akin ni Lux at natawa naman ako.

"Dati hindi ako sure sa bagay na ito pero nitong nakaraan lang nakita ko si Leana kasama si Gian sa isang restaurant."

"Gian?"

"Gian Fernandez."

"Savi, huwag mong lagyan ng malisya ang simpleng pagkain ng dalawa sa restaurant. That's not cheating." Walang ganang sabi ni Mommy at nawala na rin ang kanina lang ay interesadong tingin nito sa akin.

"Of course I know that. Kaya naman pinaimbestigahan ko silang dalawa. I've got some proofs that Leana is secretly seeing her another lover and that's Gian Fernandez." Naka-krus ang brasong sabi ko.

Hindi talaga ako papayag na matuloy ang proposal ni Deus sa babaeng lolokohin lang siya. 

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now