CHAPTER 25

907 24 1
                                    

Chapter 25

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

I can't help but to admire myself as I looked at my reflection in the mirror. I'm wearing a simple red gown that has a slit. Litaw na litaw ang mapuputi kong binti roon.

Nagniningning rin ang mata ko. Finally, I'm back.

Lumabas ako ng dressing room ko at sinalubong ako ni Taylor. Simpleng dress lamang ang suot niya pero napaka-elegante niyang tingnan.

"Woah, mas lalo kang nag-bloom at sumexy." Pagpuri nito sa akin habang minamasdan ang katawan ko.

"At dahil Mommy ka na rin, aba at mas lalong lumaki ang dibdib mo." Aniya at sinimangutan ko siya.

"Magtaka ka kung hindi lumaki iyan at dalawa ang anak ko."

It's been a year simula nang manganak ako. Sa isang taon na iyon ay nagsimukap akong ibalik ang dating figure ko dahil mahalaga iyon sa pagbabalik ko sa media. Sadiyang nahirapan lang ako ngunit sa nakikita kong resulta ay hindi ko mapigilan na mamangha dahil nagsumikap ako para makamit ito.

Ngayong gabi ay ginaganap ang small party para sa bilang na imbetadong mga modelo at artista. Yearly itong ginaganap ngunit ngayon na lamang ako ulit nakadalo.

Excited na akong tumanggap muli ng mga projects.

"Savi."

Tumingin ako sa likuran ni Taylor at nakita ko si Rion. Inabot niya ang kamay niya sa akin at nakangiti ko naman na tinanggap iyon.

"You looked handsome as always, Rion." Pagpuri ko sa kaniya dahil bumagay sa kaniya ang tuxedo nito.

"You are always gorgeous, Savi."

Nginitian ko siya. "Salamat."

"Parating pa lang si Dylan kaya mauna na kayo sa venue." Ani ni Taylor sa amin ni Rion.

"Okay, hihintayin ka na lang namin doon." Sabi ni Rion sa kaniya.

"How about you, Savi? Ready ka na ba talaga? Maraming tanong ang naghihintay sa 'yo so I hope you're ready enough to face your fans."

Nangingiting umiling ako. "Fans talaga? Nanahimik nang matagal na panahon ang social media ko kaya hinanda ko na talaga ang sarili ko para diyan, Taylor."

"Good to know. I'm so glad to be with you again, Savi." Sinserong sabi naman ni Rion. Natawa naman ako nang mahina. Totoo na madalas kaming magkasama noon at namiss ko rin naman ito kaya natutuwa rin ako na siya ang kapartner ko ngayong gabi.

"Ikaw ba? Bakit mas pinili mo akong kapartner kaysa kay Paige Talavera?" Si Paige ang katambal niya sa movie na gaganapan sana naming dalawa pero nabuntis ako at kailangan kong mag-back out sa kontratang pinermahan ko. Successful ang movie at mukhang nakita rin ng mga viewers ang chemestry ng dalawa.

"Paige is like a sister to me. Magkaibigan lang kami." Seryosong sagot sa akin ni Rion. Umingos naman si Taylor kaya nabaling sa kaniya ang atensiyon namin.

"Artistang-artista ang pagsagot mo, Riri."

"Iwas issue." Natatawang sabi ko naman.

"Let's talk photo together." Pag-aaya ko sa kanila.

Umiling naman si Taylor. "Dalawa na lang kayo ni Rion. Ako magpipicture sa inyo."

Inabot ko ang cellphone ko sa kaniya. Pwumesto kaming dalawa ni Rion at inayos ang pagkakatayo. Bago pa kumuha ng litrato si Taylor ay naramdaman ko ang pagpulupot ni Rion ng bisig niya sa bewang ko. Bahagya akong natigilan ngunit mabilis rin akong nakabawi at humarap sa Camera ng nakangiti.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now