CHAPTER 10

936 28 8
                                    

Chapter 10

Hurts so Good

selimwarrior

Savi.

TUMABINGI ang mukha ko nang salubungin ako ng sampal ni Mommy pagka-uwi ko sa bahay. Hindi ko alam na napaaga pala ang uwi nila ni Daddy. Halos mamanhid ang ang mukha ko sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin maging si Taylor ay napasinghap dahil doon.

Nakauwi na kaming dalawa at tama ang hinala ko na positive na buntis ako. Nang sabihin ng doktor ang resulta, samu't saring pakiramdam ang bumangon sa dibdib ko. I'm carrying Deus' child. It's been my dream but I didn't expect that this will happen in most unexpected and unwanted time.

"Dr. Fendelton is your Tita Maureen's Obgyne when she's pregnant with your cousin. Tell me that what I've heard is a lie."

Nakita ko si Daddy na hindi makatingin sa amin at bakas sa mukha nito na galit din siya pero kinakalma niya ang sarili niya. Si Mommy naman ay nanginginig na sa galit.

"Importante pa ba iyong magmumula sa akin? Sinampal mo na ako." Walang emosyon na sabi ko kay Mommy at namilog ang mata niya.

"S-Saan pa ba kami nagkulang, Savi?" Mom said and I felt guilty seeing a tear escaped from her eyes. The next thing we know is Dad coming for Mom as she collapsed.

Tulala ako habang nakatingin kay Mommy na mahimbing na nakahiga sa kama at kausap naman ni Daddy ang family Doctor namin. Samantalang pinauwi ko na si Taylor dahil ayokong masaksihan niya pa ang mga bagay sa pagitan ng pamilya ko.

"What happened?"

Pumasok ang kakambal ko na ni hindi man lang nag-abalang magpalit ng damit mula sa trabaho at agad na lumapit kay Mommy. Nag-aalala ang mukha nito at napabuntong-hininga.

"Mom will going to be fine, right?" Tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot at nag-iwas pa ng tingin. Kinakabahan ako. Nag-aalala ako kay Mommy. Alam ko na may history siya na mahina ang puso niya kahit naging successful na ang operasiyon niya noon ay alam namin na posibleng bumalik ito sa dati.

"I-I'm sorry."

Lux's face hardened after hearing me say those words.

"Why do you always say sorry?! Why do you always bring trouble, Savi? We're doing our part as your family but why do you keep giving us a hardtime? Mom tolerates your attitude most of the time pero anong ginawa mo? Ito siya ngayon at nakaratay sa kama at walang malay." Galit na sabi nito.

Nakagat ko ang labi ko kasabay ng pangingilid ng luha sa mata ko. Lux is mad too. Wala na akong kakampi.

Kumuyom ang kamao ni Lux at nakita ko kung paano niya sinuntok nang malakas ang pader, Nanlaki ang mata ko nang dumaloy mula sa kamay niya ang maraming dugo.

"Lux!"

"Luxury!"

Sabay na sigaw namin ni Dad. Mabilis na pinuntahan ni Daddy si Lux.

"Can you respect this place? Your Mom is resting and here you are, shouting with each other." Dad said angrily.

"D-Dad," I called but he didn't bother to throw a glance on me.

"Go back to your room, Savi."

Pinigilan ko ang luhang papatak na sana sa mga mata ko at ngumiti.

"I'm sorry. That's all I can say. Hindi ko naman na pwedeng tanggalin ang bata sa sinapupunan ko para lang tanggalin ang galit niyo sa akin. Papanindigan ko ito. Alam kong galit kayo at nasasaktan din ako dahil dito pero ito iyong consequence ng ginawa ko noon at wala na akong magagawa pa kundi tanggapin iyong galit niyo."

Yumuko ako at umalis na ng silid na iyon. Ang daming nangyayari sa akin, iyong career ko, pamilya ko, sarili ko, lahat iyon nasira dahil sa nararamdaman ko kay Deus.

Kinaumagahan ay nagkamalay na si Mommy. I'm surprised to even see her on the same table with us. We are eating breakfast together but the difference is the atmosphere is too cold for me to take. I feel suffocated.

"Savi."

Pinanlamigan ako ng kamay dahil sa paraan ni Daddy ng pagtawag sa pangalan ko. Tumingin ako sa kaniya at sinalubong ang mga mata nito na nakatingin sa akin ngunit walang emosyon. Mapait akong napangiti kasabay ng pagbigat ng dibdib ko.

"You're no longer allowed in this house."

Tila nabingi ako sa narinig ko at napaawang ang labi. Tumingin ako kay Lux pero mukhang wala na rin itong pake sa akin. Si Mommy ay nakayuko lang at tahimik na kumakain.

Mabilis na nagsilaglagan ang luha sa mga mata ko.

"What? Are you kidding me?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Daddy.

"You need to fix yourself, Savi. Kailangan mo ng matuto na tumayo para sa sarili mo. Maybe you think that we're doing this because we're mad at you. Yes you're right but we have more reasons to make you leave the house. You're no longer our baby. You will soon become a parent too and you will understand the anger that we're feeling right now."

"Mom,"

Umiling si Mommy sa akin.

"I'm so damn mad right now to listen about your bullsh'ts in love, Savi."

Kumirot ang puso ko sa narinig ko galing kay Mommy. Napahikbi na lamang ako at marahang pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko. Bakit kailangang dumating sa puntong ito ang lahat?

"Don't you love me anymore?"

"Of course we love you and we want the best for you so we're making you leave this house to go at Deus' place."

Umawang ang labi ko sa narinig ko mula kay Dad. Am I hearing things?

"No way..."

Bumuntong-hininga si Mommy.

"Let him know about your pregnancy. Hindi ka makakatakas sa bagay na iyan."

"Besides, gusto mo pa rin siya 'si ba?" Mapaklang sabi ni Lux at doon ako napatingin sa kaniya.

Unti-unting naningkit ang mata ko. "No! I'm not going back on that situation where I'll be a second choice."

Tumingin ako kay Mom and Dad. "Mom, Dad... narinig niyo naman na binalikan na ni Deus si Leana 'di ba? Walang mangyayari sa aming dalawa ng anak ko. Hindi ko kailangan si Deus kung tungkol lang sa pinansyal na bagay."

"You have a point but you are running away from him right?"

Natahimik ako. Ano namang mali? I'm just guarding my heart lalo na ngayon na magkakaanak na ako. Hindi ko na lang basta-bastang hahayaan na masaktan din siya. Kung nasaktan ako ni Deus noon, hindi ko na hahayaang maulit iyon ngayon.

"Dad..."

"No buts, young lady. You'll do it. Be matured enough to handle your sh'ts."

"How about my feelings?"

Nakita ko kung paano huminga nang malalim si Mommy at ibinaba ang kubyertos na hawak nito.

"Savi, hahayaan mo ba na saktan ka ulit ng lalakeng iyon? Guard your heart. Don't be scared of losing yourself on him. Heads up. You should have a confidence and turn the tables around. He hurted you? Then make him taste his own medicine. Don't let him think so low about you again and you can do it without running away from that jerk."

"Mom is right."

Napatingin ako kay Lux.

"Ako maghahatid sa'yo doon kaya ayusin mo na iyong mga gamit mo."

Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nila lalong-lalo na sa sinabi ni Mommy. Tama siya, I can guard my heart without running away. I'm her daughter after all.

Gaya ng plano ay nag-impake na ako ng gamit ko at naghanda ng sarili ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kuwarto ko. Mamimiss ko dito. Sunod ay hinawakan ko ang tiyan ko. Hindi pa ito malaki pero may unting umbok na. Sandaling napangiti ako habang hinihimas iyon.

"I'll protect you just like how my Mom protects me. I'll raise you to be brave. Much braver than me."

Hurts so Good [✓]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora