CHAPTER 5

900 30 6
                                    

Chapter 5

Hurts so Good

selimwarrior

Savi.

Paalis na sana ako ng bahay nang ipatawag ako ni Lux sa sarili nitong office sa bahay.

"Why did you call for me? Is there something wrong?" Bungad ko nang madatnan ko siya na nakatutok sa laptop niya.

"Hmm, not a big deal. Dumating lang naman kahapon si Leana doon at hinahanap ka sa akin."

Napabuntong-hininga naman ako. That b*tch seems craving for catfight.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"Mag-ingat ka lang dahil baka bigla kang sugudin. Galit na galit siya kahapon. Ramdam ko dahil nagpipigil lang siya dahil ako ang kaharap niya."

"Sa 'kin niya siguro isisisi na hiniwalayan siya ni Deus. Sino ba namang gustong magtagal pa kasama ang isang cheater na katulad niya? Tama lang iyong ginawa ni Deus."

"But the problem is she's willing to ask for Deus' forgiveness."

Namilog ang mata ko sa narinig ko. Nahihibang na ba siya? Tiyaka si deus, anong gagawin niya kung sakali man na lumapit ulit iyong Leanang iyon sa kaniya?

"Deserver pa ba niyang mapatawad ni Deus?"

Natawa nang mahina si Lux dahil sa tanong ko.

"That's the difference between you and Leana. Hindi ko alam kung kaya bang magalit nang matagal ni Deus kay Leana since he's been inloved with that girl for a very long time."

Lihim na napakuyom ang kamao ko sa narinig ko but I keep my cool ang smiled at my twin. Sapul ako sa sinabi niya. Iyon ang masakit na katotohanan.

Muling bumalik sa alaala ko ang gabing may nangyari sa amin ni Deus. Ako lang nakakaalala sa nangyaring iyon at kung maaalala man ni Deus, sigurado akong madadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kaniya.

Sa totoo lang, gusto ko na lang isipin na isang magandang panaginip ang gabing iyon at huwag ng kausapin si Deus. Maybe this will fix everything. I'll just ignore him the way he ignores me.

"Savi."

Bumalik ang huwisyo ko ng tawagin ni Lux ang pangalan ko.

"Ako lang ba nakakapansin o baka masakit iyong paa mo ngayon?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ngunit mabilis kong hinarap si Lux dahil sa tanong niya. Isang araw na iyong nakalipas simula nang may nangyari sa amin ni Deus at hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam tungkol doon maliban sa akin. Sa totoo lang mahirap maglihim lalo na pati si Deus mukhang walang maalala sa araw na iyon dahil kung may naalala siya, sana tinawagan na niya ako.

"Ah, natapilok kasi ako noong nagmamadali ako papunta sa condo ni Deus noong gabi pero ayos lang, magiging okay din ako." Pagsisinungaling ko.

Napatango naman siya. "Kung hindi pa naging okay, magpatingin ka na sa doctor."

Napanguso ako. "Opo, Kuya."

"Tsk."

Ang bilis ng tibok ng puso ko ngunit mabilis akong lumabas ng bahay at nagmaneho papunta sa bahay ni Taylor. Sasabihin ko na sa kaniya iyong tungkol sa kontrata na natanggap ko mula sa agency nila Aireena.

"Taylor," tawag ko sa kaniya nanag makarating ako sa garden.

Kumaway siya sa akin nang makita ko siya kaya umupo na ako sa katapat niyang upuan. Nakalapag na rin doon an cappucino na kape ko kaya napangiti ako bago inabot ang mga documents sa kaniya.

Hurts so Good [✓]Where stories live. Discover now