CHAPTER 21

890 24 7
                                    

Chapter 21

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

Hindi mawari ang ekspresiyon ko nang makita ko si Koko sa labas ng bahay na may dalang maleta. Tirik na tirik ang araw at ngayo'y nandito siya sa labas at palinga-linga pa sa paligid namin.

"Napaka-secured ng lugar niyo. Muntik pa akong hindi papasukin. Mabuti na lamang at nakausap ni Luxury ang mga guards through phone so they permit me to enter this village."

Bumuntong-hininga ako. "Pag-aari ito ng mga Garcia."

"Pero bigay sa'yo ng mga Gustavo ang bahay na tinitirhan niyo ngayon."

Rumolyo ang mga mata ko. "They are both rich."

Ibinaba ni Koko ang suot niyang sunglasses at ngumiti sa akin dahilan para lumitaw ang maputi nitong ngipin na bumagay rin sa maputing balat niya. Bagay na bagay rin sa kaniya ang maikling buhok nito na maayos ang pagkakasuklay.

"What are you doing here?" Tanong ko kaagad sa kaniya habang tinitingnan ang maleta na hila nito sa kanang kamay niya.

"Luxury told me to stay here. Pauwi na si hubby mo? Makikitira muna ako."

Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na magduda sa dahilan ng pagpunta niya rito. Sinong hindi magdududa? Bahay namin ng asawa ko ito tapos balak nyang makitira?

"What is your real intention, Koko?" Tiningnan ko siya nang naniningkit ang mga mata ko.

Mahina naman siyang natawa. "I'm here to be Lux's eyes for you. You're brother is too worried about you being alone in this house." Aniya sabay tiningnan ang bahay mula sa aking likuran.

Humugot ako nang malalim na hininga.

"I'm doing well."

"Sinong maniniwala sa'yo kung mukha kang matamlay?" Nakasimangot nitong tugon at maya-maya pa ay siya na mismo ang pumasok sa loob ng bahay. Umiiling ko na lamang siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa sala.

Iba talaga kapag si Luxury ang nag-alala. Hindi ko alam na aabot siya sa ganito. Ngumiwi ako nang makita kong ibinaba ni Koko ang hawak niyang maleta at prenteng umupo sa sofa. Nakangiti lamang siya habang ginagala ang paningin niya sa kabuoan ng bahay.

"Nice place. Parang malungkot lang dahil walang gaanong ingay at mag-isa mo lang."

Hinawakan ko ang maumbok ko ng tiyan at ngumiti sa kaniya.

"Five months from now, iingay din dito." Makahulugan kong sabi sa kaniya. Bumaba naman ang paningin niya sa tiyan ko.

"Magkakapamangkin na si Luxury. Kung gaano siya ka-protective sa'yo, I'm sure ganon din siya sa anak mo."

Umupo ako sa katabing sofa kung saan nakaupo si Koko.

"Seryoso ka ba talaga na dito ka mag-iistay?"

Pinalabo niya ang pisngi niya at umirap sa akin. "No. Actually mga gamit mo ang laman ng maleta. Pinapunta lang talaga ako ni Luxury dito to check on you."

Nakahinga naman ako nang maluwag.

"Kamusta kayo ni Lux?" Napansin ko agad ang pagliwanag ng mukha niya. Base pa lamang sa ekspresiyon nito ay halatang may magandang nangyari sa pagitan nila ni Lux at hindi na ako magtataka kung nagkabalikan na sila. Marupok si Luxury.

"Okay na kami!" Masiglang sagot niya sa tanong ko.

"Congrats sa inyong dalawa dahil ikaw lang din naman ang nakikita kong girlfriend na babagay sa kakambal ko."

Hurts so Good [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon