CHAPTER 39

825 23 13
                                    

Chapter 39

Hurts so Good

Selim Warrior

Savi.

"Happy 29th birthday, Savi." Maligayang bati ni Luxury sa screen. Ka-video call ko siya dahil maulan ngayon at hindi sila basta-bastang makapunta ni Koko.

"Happy birthday rin. Kamusta si Koko?" Biglang tanong ko dahil tatlong buwan na siyang buntis sa pangalawang anak nila ni Luxury. Almost five years old din si Alisa kaya sinubukan na nilang sundan ito.

Seven years old na ang kambal pero kung masusundan pa ang mga iyon? Hindi ko alam. Sila Mom and Dad hindi na kami sinundan dahil ayaw ni Dad na mahirapan si Mommy lalo na may sakit ito sa puso. Anyway, healthy naman kami ni Lux.

Biglang nag-init ang pisngi ko. So iniisip ko na dagdagan pa namin ni Deus ang kambal?

"Okay lang naman. Actually wala talagang kahirap-hirap sa pagbubuntis si Koko. Sobrang lakas ng katawan niya. Iba talaga kapag athletic ang isang tao noh?"

Natawa naman ako. Na-imagine ko kasi si Koko na ayaw magpa-baby kay Lux dahil kaya niya naman halos lahat ng bagay. Marami siyang nagagawa na hindi kaya ng mga ibang babae.

"Pero nagiging moody siya ngayon na buntis siya kaya lagi niya akong sinusungitan?"

"Eh gaya ng?"

"Bakit daw ako nagluto? Siya daw dapat magluluto ngayong umaga dahil birthday ko. Tapos inis na inis siya dahil makalat daw sa kuwarto ni Alisa noong nagising siya. Damn, maliliit na bagay pero ang bilis uminit ng ulo niya."

"Oh? Ganiyan talaga kapag nagka-asawa na."

"Five years na kaming mag-asawa pero aaminin ko, minsan talaga nakakainis si Koko pero siyempre mahal ko siya kaya hindi ko rin siya matiis." Naiiling na sabi niya sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay bumigat naman ang dibdib ko sa usapan namin.

"Oy, 29 na ako pero ganito na lang siguro kami ni Deus." Nakasimangot kong sabi kay Lux. "Hindi niya pa akong binati ng happy birthday. Nakakainis naman."

Mula sa screen ng cellphone ko ay nakita kong humalakhak si Lux. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Naiinis na nga ako eh.

"Naiinip ka na ba? Andiyan ka na eh." Humupa na ang tawa niya nang magsalita siya.

"Ang tagal na namin."

"Kinikilala niyo kasi ang isa't isa. Sa pagsisimula niyo sa mali, gusto lang siguro ni Deus na palitan lahat ng mga malulungkot na memorya mong kasama siya."

Kung ganon ay halos limang taon na rin kaming ganito at maayos na nagsasama. Naiinggit lang siguro ako kay Taylor at Lux na kapwa masaya sa kani-kaniyang buhay mag-asawa. May isang taong gulang na anak na si Taylor na lalake.

"Remember, right time will come. Ilang years ko rin na hinintay si Koko, Savi. Alam mo iyan. Nadelay lang iyong sa'yo pero nandiyan na kaya susuko ka pa ba? Matiisin tayong mga Labruska."

Napangiti na lamang ako. Tama nga naman. Nadelay lang iyong sa akin pero nandito na so anong munumukmok ko? Darating rin siguro kami sa ganon ni Deus pero hihintayin ko na lamang siya kapag handa na kami parehas sa bagay na iyon.

Kung may bagay man na ikinatutuwa ko ngayon ay ang hindi na pagtatanong ng kambal sa kung anong meron sa amin ni Deus ngayon. Masaya na sila na makasama kami parehas.

"Anyway, see you later. Hindi ako tatantanan ni Mommy kapag hindi ako pumunta diyan ngayong birthday natin. Last year sa Japan kami nagcelebrate ni Koko ng birthday ko kaya dito naman ako this year."

Hurts so Good [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon