CHAPTER 6

875 37 2
                                    


Chapter 6

Hurts so Good

selimwarrior

Savi.

I was shocked when I saw Deus' message saying that he wants to meet me. So we're meeting in a private coffee shop right now. Since I don't want to be late, pumunta agad ako doon.

I immediately smiled after seeing him inside and he's waiting for me. Naglakad ako papalapit sa kaniya. I wore a big smile on my lips. Sinabi ko na sa sarili ko na tama na pero since si Deus na ang lumapit sa akin ngaon, why not give it a chance? Mukhang alam na niya iyong nangyari sa amin.

"Savi."

The way he said my name sends a shiver in my body. Umupo ako sa karap niyang upuan.

"Hindi ba tayo mag-oorder muna?" Casual kong tanong.

Umiling siya. "I've made them prepared something for you but you can only eat those later."

Bahagya namang namilog ang labi ko dahil sa narinig. Sa totoo lang masama talaga ang kutob ko sa pakikipagkita ko sa kaniya ngayon pero pinipilit ko ang sarili kong mag-isip ng positibo.

"Oh, well thank you." I answered.

"Savi, why did you do that?"

Napalunok ako dahil sa tanong niya. "Do what, Deus?"

"We did it." Mariin niyang sabi.

"I won't regret anything. You're obviously asking a question that you already know the answer from the start."

Nakita kong kumuyom ang kamao niya na nakapatong sa table kaya malungkot akong napangiti. Nagsisisi siya sa nangyari.

"Why, Savi? Why? You know I'm drunk that night but you've taken advantage of the situation!" Galit na sabi niya sa akin.

Sumikip ang dibdib ko sa uri ng tingin niya sa akin ngayon. Parang diring-diri siya sa nangyari sa aming dalawa. Malayo sa Deus na nakasama ko ng gabing iyon.

"Isisisi mo ba sa akin lahat ng nangyari?" Mapaklang tanong ko sa kaniya.

"Because it's indeed your fault!"

Tumango ako. "Okay."

"Okay? Iyon na iyon? Alam mo ba kung gaano kalaking pagkakamali ang nangyari sa atin? Savi, hindi ko ginusto iyon!"

Daig ko pa ang nasampal dahil sa kaniya na mismo nagmula na hindi niya ginusto ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Fvcking love, it's fvcking hurts.

"Ginusto kong mangyari eh. Masaya ka na?"

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumatak ang luha sa mata ko habang kaharap ko si Deus. Sinamahan ko pa iyon ng ngiti para kahit papaano hindi ako magmukhang sobrang kawawa o hindi? I even feel worse.

"I hate you, Savi."

Tumango-tango lamang ako habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.

"Alright. You want me to not bother you anymore?"

Hindi ito agad nakapagsalita pero ngumiti ako.

"Deus, habang tumatagal naaawa na ako sa sarili ko. Eh ano naman kung hindi mo ako gusto? Andiyan naman iyong iba kaso ikaw eh! Ikaw iyong gusto ko, hindi iyong iba."

"Stop it already, Savi. Nagsimula kang maging toxic na tao simula ng sinabi mong mahal mo ako. You're loving a wrong person."

"Bakit si Leana? You're also loving a wrong person pero tinigilan mo ba? 'Di ba mahal mo pa rin siya kahit niloko ka na niya?" Mapait na tugon ko sa sinabi niya sa akin.

Hurts so Good [✓]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora